Balita

‘Carnapper’ naharang sa checkpoint

- Orly L. Barcala

Naaresto ang isang umano’y carnapper makaraang masita sa checkpoint at madiskubre­ng carnapped pala ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Caloocan City, nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Jeffrey Valenzuela, 22, binata, nakatira sa C-5 Road, Barangay Talipapa, Quezon City.

Bago maaresto ang suspek, nagtungo sa tanggapan ng AntiCarnap­ping Unit ng Valenzuela City Police si Elyzady Bercasio, 40, ng Bgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela, at ini-report ang pagkawala ng kanyang motorsiklo.

Sinabi ni Bercasio na ipinatong lang niya sa mesa ang susi ng kanyang motorsiklo para ihatid ang anak sa eskuwela, dakong 6:00 ng umaga pero nang bumalik siya wala na ang susi pati na ang motorsiklo, na nakaparada sa labas kanilang bahay.

Inalarma ng Valenzuela Police ang insidente sa mga presinto sa Northern Metro area.

Dakong 7:00 ng umaga nang dumaan sa Tulay na Bato sa Caloocan si Valenzuela at tiyempo namang naroroon ang grupo ni Senior Insp. Jeraldson Rivera, hepe ng Police Community Precinct (PCP) 7 ng Caloocan Police, at nagsasagaw­a ng checkpoint.

Sinita si Villanueva dahil walang suot na helmet habang sakay sa motorsiklo, at nang hingin ng mga pulis ang papeles ng sasakyan ay wala siyang maipakita hanggang sa makumpiska­han pa siya ng isang plastic sachet na may lamang shabu, patalim, at bala ng baril.

Dinala sa presinto ang suspek, at doon nakumpirma­ng carnapped ang dala nitong motorsiklo.

Kinasuhan si Valenzuela ng disobedien­ce to a person in authority, illegal possession of ammunition­s, illegal possession of deadly weapon na may kinalaman sa Omnibus Election Code, at paglabag sa Comprehens­iva Dangerous Drugs Act (RA 9165) sa Caloocan City Prosecutor’s Office, habang carnapping naman ang inasunto sa kanya sa Valenzuela Prosecutor’s Office.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines