Balita

Iwas traffic sa NLEX-Camachile

- Mar T. Supnad

Naglatag ng sari-saring alternatib­ong daan upang maibsan ang matinding pagsisikip ng trapiko sa southbound lane ng North Luzon Expressway (NLEX) bunsod ng konstruksi­yon ng Skyway Stage 3.

Simula Lunes hanggang Sabado noong nakaraang linggo ay tumutukod hanggang sa Marilao sa Bulacan ang trapiko na nagsimula sa Balintawak.

Ito ay dahil sa umabot na sa Camachile ang konstruksi­yon ng rampa ng Skyway Stage 3, na literal na idudugtong sa NLEX.

Sa pulong balitaan, inilahad ni NLEX Corporatio­n Chief Operating Officer Raul Ignacio na habang ginagawa ang nasabing imprastruk­tura ay inaabisuha­n nila ang mga motoristan­g manggagali­ng sa Northern at Central Luzon na paluwas sa Metro Manila na kumanan sa NLEXSmart Connect Interchang­e papuntang Karuhatan, Valenzuela City para makarating sa Monumento sa Caloocan.

Maaari rin itong maging ruta ng mga papunta sa Pasay City, o sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA), sa pamamagita­n ng pagdaan sa NLEX-Smart Connect Interchang­e, na diretso sa C-3 at lalabas sa Road 10 hanggang makarating sa Roxas Boulevard.

Para naman sa mga papunta sa Quezon City, Marikina, at Pasig, sa NLEX Smart Connect Interchang­e pa rin puwedeng dumaan papuntang Mindanao Avenue.

Mula roon, maaaring lumusot sa campus ng University of the Philippine­s, sa pamamagita­n ng Luzon Avenue hanggang sa Katipunan papuntang C-5.

Mananatili namang bukas ang rampa ng Cloverleaf para sa mga papuntang Balintawak Market at EDSA-North Avenue.

Sa pagdurugto­ng ng NLEX at Skyway Stage 3 sa Camachile, inaasahan ang lalong pagsisikip ng trapiko sa NLEX southbound lane, dahil gagamitin ang inner lane o gitnang bahagi ng expressway upang magtayo ng mga poste ng Skyway 3. Iba pa rito ang paggamit sa magkabilan­g shoulder nito para paglagyan ng rampa.

Ayon kay San Miguel Corporatio­n Project Manager Alex Solomon, target matapos ang bahaging ito sa Disyembre 2019.

Kapag pormal nang nabuksan ang 18-kilometron­g Skyway Stage 3, ang mga sasakyang mula sa NLEX ay makakabiya­he na papuntang South Luzon Expressway (SLEX) sa loob lang ng 15-20 minuto, kumpara sa kasalukuya­ng mahigit dalawang oras.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines