Balita

9 na pulis, ginawaran ng medalya

- Rizaldy Comanda

CAMP DANGWA, Benguet – Ginawaran ng medalya ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera ang siyam na pulis para sa sipag, kooperasyo­n at pagsisikap ng mga ito na makapag-ambag sa tagumpay ng misyon ng pulisya at tungkulin ng PROCordill­era.

Kabilang sa binigyan ng Medalya ng Kagalingan sina Supt. Radino S. Belly, SPO2 Geofrey Langbayan, at SPO1 Benafin Dayucong, Jr., para sa matagumpay na pagkakasam­sam ng P3,175,000 halaga ng iba’t ibang ilegal na droga sa Kayapa, Bakun, at Tacadang, Kibungan, Benguet noong nakaraang buwan.

Parehong parangal din ang iginawad kina Senior Insp. Edwin Sergio, SPO1 Melvin Llanes, at SPO1 Arsenio Vidal para sa matagumpay na pagsisilbi ng search warrant laban kay Jomar Barbosa Purugganan, alyas “Mamay”.

Nagresulta ito sa pagkakakum­piska sa 21 pakete ng shabu, na ayon sa Dangerous Drug Board (DDB) ay nagkakahal­aga ng P102,690.20, P81,000 cash, at isang cal. 380 na may siyam na bala, at iba pang parapherna­lia nitong Pebrero 1, sa Sitio Pacpaco, Gaddani, Tayum, Abra.

Medalya ng Papuri naman ang iginawad kina Insp. Nicasio Sacliwan, SPO3 Washington Kitongan, at SPO2 PrudencioT­inong, para sa matagumpay na pagkakaare­sto kina Real Gold Boclongan Olsim, at Celso Bayongawan Capuyan, na nakuhanan ng 17 pakete ng shabu na nagkakahal­aga ng P17,043.52, isang .9mm caliber Armscor, isang magazine na may siyam na bala, at drug parapherna­lia sa Purok Datu, Bulanao, Tabuk City, Kalinga noong nakaraang buwan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines