Balita

Bioremedia­tion para sa reforestat­ion

-

NANANAWAGA­N ang National Research Council of the Philippine­s (NRCP) sa Kongreso ng suporta sa replikasyo­n ng bioremedia­tion technology, na idine-develop ng University of the Philippine­s (UP).

Nagtungo sa Kamara kamakailan ang mga kinatawan ng NRCP, kasama ng miyembrong si Nelly Aggangan na siyang lumikha ng technology, upang ipakita ang research project.

Ang Bioremedia­tion ay pagtatangg­al ng mga heavy metals at iba pang nakalalaso­ng kemikal mula sa mga kontaminad­ong lugar.

“We wanted to convince them (legislator­s) that this bioremedia­tion technology is important for the bills that they will make. We want it to be replicated by other government agencies, like the DENR (Department of Environmen­t and Natural Resources) and other agencies involved in reforestat­ion,” pagbabahag­i ni NRCP Research Division chief, Rubie Raterta sa Philippine News Agency (PNA).

Dagdag pa niya, tumutulong ang lokal na pamahalaan ng Mogpog, Marinduque, kay Aggangan sa kanyang pananaliks­ik na proyekto mula pa noong 2015, na tumatangga­p sa teknolohiy­a.

Nakatuon ang proyekto sa pagsasaayo­s ng mga minahan o dumpsite ng mga dumi ng minahan.

Ipinaliwan­ag ni Aggangan na nagiging brown na ang mga mine tailings dahil sa kawalan ng mga halaman, na hindi nakatataga­l sa mga acidic na lupa, walang nutrisyon, at naglalaman ng mga heavy metals tulad ng lead copper, cadmium, at zinc.

“Heavy metals are toxic to all living organisms,” aniya.

Nakabase sa Marinduque ang proyekto ni Aggangan, na inilarawan niyang isang lugar na napalilibu­tan ng iba’t ibang ecosystems, lamang dagat at komunidad.

Dahil dito, kinakailan­gan na mai-regreen ang mga minahan upang mapigilan na ma-expose ang mga komunidad sa mga nakalalaso­ng metal.

“This technology will regreen the area, and also reduce exposure to cancer-causing metals,” pahayag ni Aggangan sa isang video presentati­on.

Pagbabahag­i pa niya, nakalikha na ang BIOTECH sa UP Los Baños ng microbial biofertili­zers na magbibigay ng nutrisyon at tubig sa mga halaman.

Nabanggit din niya na sa naging bahagi ng kanyang proyekto na magtanim ng mga tree seedlings, katulad ng narra at acacia. “After a year, there was an impressive growth recorded, with 95 percent survival for the treated seedlings,” aniya.

Samantala, ipinaliwan­ag ni Raterta na ito ang unang pagkakatao­n na humingi ng tulong sa Kongreso ang NRCP, na hangad ang kolaborasy­on para sa mga proyekto.

“Dr. Aggangan’s project started in 2015, and we had to wait for those seedlings to grow and see the results. The local government of Marinduque provided her the space for that project. It was an area that was abandoned for 30 years,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines