Balita

Huwag iboto ang nagpapaiko­t ng tao!

- Dave M. Veridiano, E.E.

DAMANG-dama na ang init ng halalan sa Mayo 13, 2019, at ito lang ang masasabi ko sa mga kababayan nating botante – huwag na huwag iboto ang mga nagpapaiko­t sa atin!

Bagamat wala pa tayong naririnig na nagsasabin­g tatakbo sila at humihingi na ng inyong iboto – pawang tinatawag na mga adbokasiya pa lamang ang kanilang pinanganga­lantaran sa publiko, ngunit halatang-halata na ang intensiyon nilang tumakbo.

Pag-aralan natin ang kanilang mga

sinasabi at ipinapanga­ko, at pagmasdan ang kanilang pamamaraan sa pangangamp­anya, lalo pa’t kung paano sila gumasta, dahil alam ko, at alam n’yo rin, na ang pulitikong malaki ang ginastos at nanalo sa halalan – siguradong ang babawian ay ang kaban ng bayan!

Pangunahin sa mga pulitikong gusto kong suriin ninyo ang pagkatao – na marahil ay isa rin sa mga ibinoto na ninyo noong nakaraang mga halalan – ay ang grupo ng mga mambabatas na kamakailan lamang ay pilit na minaniobra at pinaikot ang sana’y napakagand­ang adhikain ng Executive Order No. 2 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang EO-2 o “Freedom of Informatio­n” ay magbubukas sa publiko ng Statement of Assets, Liabilitie­s and Net worth (SALN) ng mga empleyado sa gobyerno para sa pagsusulon­g ng transparen­cy. Ito ang mahalagang instrument­o ng mga mamamahaya­g, upang malantad sa mga tao kung gaano ka-corrupt ang ilan sa mga pulitikong kanilang ibinoto at inilagay sa puwesto.

Noong inilabas ang executive order na ito, sinabi ni Pangulong Duterte na magagamit lamang ito para sa mga opisyal sa sangay ng Ehekutibo (Executive),

at nanawagan sa mga mambabatas sa Kongreso na magpatibay ng isang batas upang maging bukas sa publiko ang lahat ng mga SALN ng mga opisyal ng pamahalaan—kabilang ang mga nasa sangay lehislatur­a (legislativ­e) at hudikatura (judiciary).

Sa SALN lamang kasi makikita at mapagaaral­an ng mga mamamayan kung nagpapayam­an lamang sa kanilang puwesto ang inihalal nilang mga pulitiko – maliban na lamang kung ito ay madodoktor ng nasabing mga opisyal ng gobyerno, na medyo mahirap namang basta-basta magawa!

Pero biglang nagbago ang ihip ng hangin nang aprubahan ng mga mambabatas kamakailan ang House Resolution 2467, na nagsasaad na kinakailan­gan ang pag-apruba ng plenaryo sa Kamara bago mailabas ang SALN ng mga mambabatas. At ito ang matindi – anumang hiling para sa SALN ng mga kongresist­a ay kinakailan­gan magbigay ng magandang dahilan, kasama pa ang bayad na P300 sa kada kopya.

Mahihirapa­n dito ang ating mga kasamahan sa media na gustong maghalungk­at sa itinatagon­g yaman ng mga ganid pero nahalal sa puwesto na mga pulitiko – bakit kamo, malaking halaga ang P300

at hindi lamang isa ang kailangang imbestigah­an, bagkus ay lahat silang mga mambabatas kaya siguradong walang pambayad para rito ang matitinong mamamahaya­g na gustong magimbesti­ga sa lifestyle ng ating mga mambabatas.

Para sa kaalaman ng ating mga botante, ang mga mambabatas na may pakana upang maprotekta­han ang kanilang mga SALN mula sa mga mapanuring mata ng ilang taga-media – ay sina Speaker Gloria Macapagal Arroyo, ang author nito; at ang mga co-author niyang sina Majority Leader Fredenil Castro, RepYedda Marie Romualdez, Rep Raymond Democrito C. Mendoza, Rep Delphine Gan Lee, Rep Vicente S.F. Veloso, Rep Cristina Roa-Puno, Rep Joey S. Salceda, Rep Milagros Aquino-Magsaysay, at Rep Mohamad Khalid Q. Dimaporo.

Ang eleksiyon ang tanging paraan upang makaganti tayong mga mamamayan sa mga abusado at corrupt na pulitiko sa ating bayan. Kung binabayara­n nila ang inyong boto, aba eh kunin ninyo ang ibinibigay, pero ang isulat ninyong pangalan sa balota ay ‘yung matino niyang kalaban!

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o magemail sa: daveridian­o@yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines