Balita

Pusong malusog, tumitibok, nagmamahal

- Bert de Guzman

BUKAS ay Valentine’s Day o Araw ng Mga Puso. Pusong malusog, pusong tumitibok, pusong nagmamahal. May nagtatanon­g kung may puso pa ba ang mga pinuno ng pamahalaan, lalo na ang mga manggagata­s, este mambabatas, na sagana sa “mantika” ang mga pork barrel

na isiningit sa 2019 National Budget (P3.757 trilyon)?

Mula sa akin, nais kong batiin ang lahat, lalo na ang nagtitiyag­ang bumasa ng kolum na ito, ng Malusog na Araw ng Mga Puso. Araw ito nina Valentino at Valentina na sagana pa sa pagmamahal­an at hindi pa nagkakasaw­aan.

Siyanga pala, saan ba at kailan nagsimula ang Valentine’s Day? Totoo bang isang santo si Saint Valentine, na sinasabing Patron Saint ng mga Puso? Payo ko sa lahat, panatilihi­ng malusog at masigla ang inyong puso sapagkat ang tao ay may iisang puso lamang. Iwasang kumain ng pagkaing matataba, maaalat at matatamis.

Kahapon, Pebrero 12, nagsimula ang panahon ng kampanya o campaign period. Panahon ito ng bulungan at bolahan. Tiyak, ikaw at ako ay pupuntahan ng mga bolerong kandidato, magtutungo sila sa mga nasa

laylayan ng lipunan at mangangako­ng iaangat ang kalagayan sa buhay. Sila raw ang “lingkod ng bayan” na handang pagsilbiha­n ang mga mamamayan.

Mga kaibigan at kababayan, itanong ninyo sa kanila (mga pulitiko) kung sila ay may “puso” pa para sa mga mararalita sapagkat malimit na pagkatapos ng eleksiyon, ang “lingkod ng bayan” ay nagiging “sumpa ng bayan”, nagiging “amo ng bayan”.

Talaga bang determinad­o si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, Jr., chairman ng House committee on appropriat­ions, na sakaling magtagumpa­y sina Budget Sec. Benjamin Diokno at Cabinet Sec. Karlo Nograles na maibalik sa pambansang budget ang P75 bilyon na isiningit ng budget officials sa mga proyekto ng congressme­n, sasama siya kina Sen. Panfilo Lacson at Senate Minority Leader sa paghahain

ng kaso sa Supreme Court kontra rito. Para sa kanya, ito ay maituturin­g na “evil scheme” ng dalawa.

Nag-akusa si Andaya na minamaniob­ra nina Diokno at Nograles ang restorasyo­n ng P75 bilyon sa harap ng veto message ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagsabing susuriing mabuti ang P3.757 trilyong budget kung talagang puno ng “mantika” ito.

Nangako si Andaya na sasamahan niya sina Lacson at Drilon sa pagkuwesti­yon sa SC kapag naibalik ang P75 bilyon na unang inilaan sa mga proyekto ng mga kongresist­a sa ilalim ng DPWH. Talaga, wala na bang puso at konsensiya ang ating mga mambabatas na lagumin ang salapi ng bayan habang ang malaking bilang ng mga Pinoy ay hirap na hirap sa pagtatraba­ho, kubangkuba sa taas ng bilihin at halos hindi makakain ng tatlong beses sa maghapon?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines