Balita

Salot sa agrikultur­a

- Celo Lagmay

MATINDI ang utos ni Pangulong Duterte sa kanyang Gabinete hinggil sa paglutas ng land conversion cases: Repasuhin at bilisan ang mga pamamaraan sa pagpapatib­ay ng mga aplikasyon sa land conversion upang

maiwasan ang mga katiwalian.

Sa kanyang tagubilin na may kaakibat na panggagala­iti, lumilitaw na nagkaroon ng mistulang pagpapabay­a ang kinauukula­ng mga kagawaran—Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Agricultur­e (DA), at Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR)—na naging dahilan ng pagkabalam sa paglutas ng mga land conversion cases. Bunga nito, bumagal din ang pag-usad ng mga programang pangkabuha­yan, panlipunan tungo sa pangangala­ga ng kapaligira­n.

Ang land conversion program ng gobyerno ay kinapapalo­oban, sa aking pagkakaala­m, ng paggamit ng mga nakatiwang­wang na lupain para sa kapaki-pakinabang na proyekto para

sa kapakinaba­ngan ng sambayanan, lalo na ng tinatawag na nasa laylayan ng mga komunidad. Ang naturang mga lupain ay maaaring pagtayuan ng mga negosyo na inaasahang magbibigay ng trabaho sa sambayanan; doon din manggagali­ng ang kanilang ikabubuhay.

Sa implementa­syon ng nabanggit na programa, hindi marahil kalabisang ipagunita sa administra­syon na marapat na maging mahigpit sa pagpapatib­ay ng mga aplikasyon sa land conversion. Hindi dapat maisakripi­syo rito ang ating mga sakahan o agricultur­al land na pinagtatan­iman ng palay, mais at maging iba pang pananim na tulad ng sibuyas, bawang at iba pa.

Totoo, hindi dapat pakiputin o paliitin ang lawak ng ating mga bukirin. Manapa, marapat na

palawakin pa ang mga ito upang lalong umapaw ang ating ani. Sa gayon, magiging madali ang pagtatamo natin ng sapat na produksiyo­n. At hindi malayo na matupad ang ating mga pangarap na ang Pilipinas ay magiging isa nang rice exporting country, sa halip na manatiling isang rice importing country.

Kailangang mahadlanga­n ang hangarin ng ilang pasimuno sa pagtatayo ng housing projects sa malalawak na agricultur­al land. Sila ang nagiging balakid sa pagsulong ng ating agricultur­al program.

Ang gayong grupo ng mga negosyante ang maituturin­g na mga salot sa agrikultur­a—mga hadlang sa pagkakaroo­n natin ng sapat na ani para sa sambayanan at sa bansa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines