Balita

Mas mayaman sa akin si Luis—Edu

- Ni MERCY LEJARDE

TATAKBONG congressma­n sa San Juan City this midterm election si Edu Manzano kaya hindi na kami nagtaka kung bakit present din siya sa nakaraang advanced birthday celebratio­n ni ex-Senator Jinggoy Estrada with matching daughter on the side na si incumbent San Juan Vice Mayor Janella Ejercito, na tatakbo namang mayor sa nasabing lunsod.

Nagkaroon ng Q&A portion with some entertainm­ent writers at pagkatapos noon ay dinumog na namin si Edu for some additional questions.

Tinanong ni Ateng Janiz Navida ang Edu kung nasasaktan ba itey kapag tinatawag na gay ang anak na si Luis Manzano, dahil nga sa pagiging patola ever nito sa mga bashers. May tumatawag pa ngang “Luisa”, imbes na Luis or Lucky, sa panganay ni Edu.

“Ha, ha, ha! Ako nga, tinawag din akong gay before nu’ng una akong pumasok sa pelikula. I think no one is spared. Kahit sina Dante Varona yata ay napagbinta­ngan din. So, for me, wala silang ibang maianggulo,” natatawang sagot ng 63 years old na actor cum politician na mukhang binata pa rin ang arrived coz nabanggit nga niya ang “feeling emptiness”, kaya tuloy feeling ni Yours Truly baka wala siyang ka-love life sa ngayon. Feeling lang, ha?

Dagdag pa nito, kilala niya ang anak kaya wala siyang pagdududa sa gender nito.

“I know my son. At kayo rin, you know him very, very well. But as a parent siyempre, ‘yung concern, pero I don’t get worried kasi alam kong kayang-kaya niya,” lahad pa ni Edu na tipong sa tono niya ay wala talagang pagdududa sa gender ng kanyang eldest son.

Natanong din si Edu tungkol sa inaabangan­g kasal ni Luis kay Jessy Mendiola. Sa kasalan na ba talaga hahantong ang loving loving ng dalawa?

“You know, iba na ang henerasyon ngayon. Iba nang mag-isip ang mga kabataan. Dati, ‘Mahal kita, mahal mo ako, tanan na tayo.’ Ngayon, hindi, pinaplano talaga.” Korek ka diyan, Doods! Samantala, biniro si Edu na mukhang mas mayaman na sa kanya ngayon si Luis lalo’t ‘di nawawalan ng shows at endorsemen­ts ang anak nila ni Ate Vilma Santos.

Nakangiti itong kinumpirma ng tisoy na actor: “Hindi mukha, talagang mas mayaman siya sa akin. Ako mayaman lang, si Luis, mayaman na mayaman.”

When asked kung nag-pledge na ba si Luis para sa campaign fund niya, seryosong sagot ni Edu, never daw siyang nanghingi sa mga anak. Kung may kusa daw ang mga ito, eh, ‘di okay, pero para sa kanya magsimula ang panghihing­i ay never daw niyang ginawa.

Uuuyyy, that’s what you called “pride”, Doods. Pero may tama ka rin dun, in pernes. Dapat ang mga anak ang magkusang magbigay kung meron din lang namang ibibigay. Pak, ‘yun na!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines