Balita

LizQuen, ‘forever’ at ‘everything’ ang isa’t isa

- Ni ADOR V. SALUTA

UMAMIN na rin sa wakas sa tunay na estado ng kanilang relasyon sina Liza Soberano at Enrique Gil. Hindi gaya ng kanilang mga nakaraang interview na lagi na lang nilang sinasabi na “close friends” o “exclusivel­y dating” lang sila.

Sa kanilang guest appearance sa Gandang Gabi Vice last Sunday, napaamin ni Vice Ganda ang LizQuen na mahigit dalawang taon na silang magkarelas­yon.

Sa segment na “Kuryentano­ng”, kailangang sagutin nila Liza at Enrique ang tanong ng isa’t isa at ni Vice habang nakalagay ang kanilang kamay sa isang lie-detector gadget.

Kapag nakuryente sila sa gadget ay nangangahu­lugang hindi sila nagsasabi nang totoo.

Tinanong ni Enrique si Liza kung sa palagay ba niya ay sila na “forever”.

Walang pag-aatubiling sumagot si Liza ng “yes”, at hindi siya nakuryente sa lie-detector gadget.

Nang si Enrique naman ang sumalang sa gadget, tinanong siya ni Vice: “Kayo nab a?”

Ngumiti muna si Enrique bago sumagot ng “Yes!”

Bago pa mag-react ang lie-detector gadget ay tinanggal na ni Vice ang kamay ni Enrique at sinabing, “Sapat na sa akin ‘yon!”

Nagsigawan ang mga nanonood at ipinakita rin ang manager ni Liza na si Ogie Diaz sa audience area.

Ipinalagay muli ni Vice ang mga kamay ni Liza sa gadget at saka niya ito tinanong, “Matagal na kayo?”

Sabi naman ni Liza, “Define matagal.”

“More than two years,” ani Vice.

Nakangitin­g sagot ni Liza: “Oo.”

Agad na tinanggal ni Vice ang kamay ni Liza at isinigaw niya: “Ay, oo daw!”

Ayon din kay Liza, October dawsilanag­se-celebraten­gkanilang anniversar­y, nangangahu­lugan na October 2016 naging sila, o tatlong taon mula nang una silang magtambal sa pelikula.

October 2013 nang unang magkatraba­ho sina Liza at Enrique para sa pelikulang She’s The One, kasama sina

Bea Alonzo at Dingdong Dantes.

Pagkatapos ng isang taon, noong October 2014, ay nabigyan sina Liza at Enrique nang kanilang unang teleserye, ang Forevermor­e.

Noong October 2018, nag-post ang dalawa ng litrato ng isa’t isa sa kani-kanilang Instagram accounts.

Bagamat magkahiwal­ay sila sa mga litrato ay makikita namang kuha nila ito sa isa’t isa habang magka-date.

Sabi ni Liza sa caption niya: “Never rush something you want to last forever. Grateful to have someone like you in my life.”

Caption naman ni Enrique: “What is life without love? Nothing that’s why you’re my everything.”

 ??  ?? Liza at Enrique
Liza at Enrique

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines