Balita

Clique V at Belladonas, huhusgahan sa Pebrero 23

- Reggee Bonoan

HUHUSGAHAN na ang all male group na Clique V at ang female group na Belladonas sa kanilang unang major concert na This is Me sa Pebrero 23, Sabado, 7:00 pm, sa SM Skydome.

Isang taon na rin ang nakalipas nang mabuo ang dalawang grupo ng manager nilang si Ms Len Carillo, ng 3:16 Events and Talent Management.

Base sa presscon ng Clique V at Belladonas sa Café Romulo nitong Biyernes, magkahalon­g kaba at saya ang nararamdam­an nila sa nalalapit nilang This is Me concert, dahil makalipas ang isang taon na dumaan sila sa maraming pagsubok, heto at matatag pa rin sila, hindi sila nagpatalo sa mga intrigang ipinukol sa kanila.

At ang pinakamahi­gpit na bilin sa kanila ng kanilang manager na si Ms Len ay bawal ma-in love ang Belladonas sa Clique V, dahil kapag nangyari iyon ay tsugi na sa grupo. Ang katwiran ng manager, hindi na kasi makakapag-concentrat­e ang lahat kapag inuna ang love life.

Kahit hindi kagrupo o outsider , hanggang maaari ay huwag din daw sana. May punto rin naman si Ms Len dahil ang gusto niya ay may mapatunaya­n muna ang grupo bago sila magkaroon ng love life.

Pero may naging isyu na may isang member ng Clique V ang naging dyowa ang isa sa Belladonna­s.

“Siguro po kaya nagkaroon ng ganyang isyu, kasi ang Belladonna­s at Clique V are very close. Na-misunderst­ood lang po siguro. Parang magkakapat­id lang po talaga ang turingan namin.”

Sabagay, mukhang hindi naman totoo dahil buo pa rin ang grupo nila at higit sa lahat, makakaluso­t ba sila sa manager nilang mala-Jaworski magbantay at ala- James Bond magespiya.

Anyway, kahit abala ang Clique V at Belladonas sa trabaho nila ay nag-aaral silang lahat kaya nakakatuwa­ng marinig na hindi pa rin sila out of school youth, dahil naniniwala kami na iba pa rin ang may natapos kaysa wala.

Hmm mag-ala Sexbomb Dancers kaya ang Belladonas sa This is Me concert? Ang choreograp­her kasi nila ay walang iba kundi sina Mia Pangyariha­n at Aira Bermudez, na mula sa sikat na grupo.

Ilang beses tinanong ang Clique V at Belladonas kung anong highlight ng show nila, o magbigay man lang ng sample pero iisa ang sagot nila: “Abangan na lang po ninyo, basta kakaiba po at tatatak sa lahat.”

Bakit nga ba This Is Me ang titulo ng concert nila?

Sagot ni Belladonas member, Quinn Carillo: “Actually, marami po talagang nagtatanon­g bakit This Is Me, eh, marami naman po kami sa concert. Dapat daw po ay This Is Us. Kaya po This Is Me, the title itself pertains to us, being one unit, being a family. Wala pong Quinn, wala pong Jassy, wala pong Chloe diyan sa concert, but as Belladonas and Clique V, being one in this concert.”

Kasama rin sa This is Me concert as guests ang bagong goldmine ng GMA 7 na si Kyline Alcantara, ang Hashtags members na sina CK at Zeus Collins, at Star Music at MOR DJ Anna Ramsey. Ang show ay mula sa direksiyon ni Robin Obispo.

Ang This is Me concert ay produced ng 3:16 Events and Talent Management, at mabibili ang tickets sa lahat ng SM Ticketnet.

 ?? Clique V at Belladonas ??
Clique V at Belladonas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines