Balita

‘Handmaid’s Tale’ nagbabalik sa 3rd season

-

PASADENA, Calif. (AP) — “Resistance” ang tema sa pagbabalik ng The Handmaid’s

Tale ngayong summer, na may 13 episodes para sa ikatlong season nito.

Hunyo 5 ipalalabas ang unang tatlong episode ng dystopian drama, ayon sa streaming service na Hulu.

‘Tila iniwasan naman nitong makabangga ang final season ng

Game of Thrones ng HBO nang hindi nito ibalik ang ikatlong season sa dati nitong release date na Abril.

Bagamat agad naman itong pinabulaan­an ni Craig Erwich,

Hulu vice president for original series, ang pahayag ng mga kritiko.

“We simply wanted to give the show as much time as possible to maintain the quality it has,” pahayag ni Erwich.

Nakakolekt­a ang Hulu drama ng anim na Emmys sa unang season nito, kabilang ang Best Drama at Best Lead Actress para kay Elisabeth Moss, bilang si June. Bagamat nakakuha naman ito ng tatlong award noong 2018, bigo itong makuha ang top prize nang mahigitan ng Game of

Thrones, at The Crown. Nakatuon ang bagong season ng The Handmaid’s Tale sa paghihirap ni June laban sa “repressive regime of Gilead.”

Ang The Handmaid’s Tale ay base sa 1985 novel ni Margaret

Atwood. Kabilang sa mga cast ng drama sina Joseph Fiennes, Yvonne Strahovski, Alexis

Bledel, Ann Dowd, at Samira Wiley.

 ??  ?? The Handmaid’s Tale
The Handmaid’s Tale

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines