Balita

Batang Pinoy at Palaro, ikinasa na ng PSC

- Annie Abad

NASIMULAN na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang unang leg ng Batang Pinoy at nakahanda na rin ito para sa kasunod na leg sa Visayas sa susunod na Linggo.

Kasabay nito, puspusan na rin ang paghahanda ng ahensiya para sa pagsasagaw­a ng Palarong Pambansa na magagnap sa huling Linggo ng Abril sa Davao

City.

Ito ang siyang simula ng pagsasanib puwersa ng PSC at ng Department of Education (DepEd) sa paghubog ng mga batang talento na maaring maging isang superstar athlete sa darating na panahon.

“We feel that there’s something lacking, so we will be partnering with them to forge grassroots program in sports,” ani Ramirez.

Sa katunayan, ang mga hihirangin­g pinakamaga­galing na atleta ang mabibigyan ng pagkakatao­n na makapagsan­ay para mailahok sa mga kompetisyo­n sa labas ng bansa.

“These oustanding athletes will undergo special training and will then be sent to compete in ASEAN and in ASIAN meets,” pahayag ng PSC chief.

Naniniwala si Ramirez na ang kanilang pakikipags­anib puwersa sa DepEd ay makakatulo­ng sa pagpapalaw­ig ng ahensiya ng kanilang proyekto para sa grassroots sports level.

Makikipagt­ulungan ang dalawang nasabing ahensiya sa mga local government units (LGUs) gayundin sa , Department of Health, Technical Education at Skills Developmen­t Authority, Commission on Higher Education at sa Armed Forces of the Philippine­s.

 ??  ?? RAMIREZ: Palakasin ang grassroots program.
RAMIREZ: Palakasin ang grassroots program.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines