Balita

Henerasyon ni Mangosong sa Supercross

-

HINDI binigo ni Davaopride Bornok Mangosong ang kanyang mga tagahanga matapos pagharian ang inaabangan­g pro open class sa unang yugto ng MX Messiah Fairground­s (MMF) Supercross 7 sa MMF, Club Manila East, Taytay Rizal.

Sa kabila ng aberyang dulot ng pagkasira ng Yamaha bike ni Mangosong ilang oras bago ang pro open class, hindi nawalan ng kumpyansa ang Mindanao pride at nanatiling matatag sa kabuuan ng karera gamit ang hiram na motor kay organizer Sam Tamayo.

Gamit ang walang takot na estilo, inungusan ni Mangosong ang batang mandirigma­ng si Ompong Gabriel upang kunin ang unang puwesto.

“Talagang pokus lang at wag kang kabahan. Nung nakita ko ng hindi na talaga gumagana yung bike, nag-iisip na ko ng mahihirama­n kasi gusto ko pa din kumarera. Kung akin, akin. Kung di naman, ganon talaga. Pero mahalaga ay pokus ka pa din,” pahayag ng 27-anyos na si Mangosong.

Gagawin ang ikalawang yugto ng serye sa Marso 3.

Ilan pa sa mga nagpasikla­b ay sina Joseph Penaso sa Open Local Two Stroke Enduro, John Kennet h Saligao ng Amateur Production, Roman Llorente ng Executive Production at Michael Tschop ng Amateur Open Production.

Muli ring nasaksihan ang pagkarera ng moto legend na si Jolet Jao sa pro open kontra sa mga batang karibal. Huli man sa roster, hinakot ni Jao ang veterans class sa unang leg.

Iniuwi din nila Abdul Heiz Sandani ang tropeo ng Beginners Open Production at ng Power Enduro habang hindi nagpahuli sa bakbakan si Lad Bucag na nagwagi sa Open Underbone at Local enduro 4-stroke

Wala pa rin kapantay si Pia Gabriel na nanatiling unbeatable sa ladies class habang si Shana Tamayo naman ang nag-uwi ng korona sa Girls division (age 12 and below).

Nagpamalas din ng galing ang mga tsikiting na sina Lleyton Fellizar (85cc), Carl Celestino (65cc 11 and below), Xy Maximo (50cc 9 and below), Joshua Tamayo (50cc 7 and below) at Dylan Fabian (Yamaha PW50 5 and below).

Ang serye ay inorganisa ng MMF at suportado ng Shell Advance Motorcycle Oil, Yamaha Motor Philippine­s, Fox Racing Philippine­s, Coffee Grounds, Dunlop Tires, at Richbian Taxi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines