Balita

San Juan at QC, kumikig sa CBA

-

WINALIS ng San Juan at Quezon City ang kanikanila­ng mga katunggali sa pagpapatul­oy ng 2019 Community Basketball Associatio­n (CBA) Founder’s Cup sa San Juan gym kamakailan.

Pinabagsak ng San Juan ang Novo Ecijano, 92-80, para sa ika-dalawang dikit na panalo habang naungusan ng Quezon City ang San Mateo, 92-84, sa overtime para magpasikat sa kanilang kampanya.

Nagpakitan­g gilas sina Noah Lugo, Joshua Saret, Lester Reyes, Christian Bunag, Jonard Clarito at Joseph Ubalde para sa San Juan nina team owners Joey Valencia at Jay Cancio at coaches Randy Alcantara. and Yong Garcia.

Umiskor si Lugo ng 19 puntos, kabilang ang 3-of-5 shooting mula rainbow territory, sa 24 minutong paglalaro para sa Knights Exile, na unang nagwagi 103-74 laban Malabon nitong Feb. 3.

Nag-ambag si Saret ng 16 puntos, si Reyes ay may 12 puntos at nine rebounds at sina Bunag, Clarito at Ubalde ay may tig walong puntos para sa San Juan.

Para sa Novo Ecijano, nanguna sina Juan Romano Tolentino (19 puntos), Stephen Cudal (9 puntos at 7 rebounds) at Clarence Santos ( 9 puntos).

Ang CBA ay itinatag ni actor-director Carlo Maceda. Si Pido Jarencio ay consultant at si Beaujing Acot ay operations head.

Iskor: (Unang Laro)

Quezon City (92) —Barua 21, Derige 15, Mabayo 14, Tayongtong 13, Raflores 8, Belosillo 6, Gabo 6, Castro 5, De Guzman 4, Alday 0, Palma 0.

San Mateo (84) —Marilao 18, Sevilla 17, Lasco 17, Salcedo 14, Urganay 7, Castillo 6, Magalangco­m 5, Duran 0, Egea 0.

Quartersco­res: 15-13, 40-36, 57-56, 72-72, 92-84.

(Ikalawang Laro) San Juan (92) —Lugo 19, Saret 16, Reyes 12, Bunag 8, Clarito 8, Ubalde 8, Bonifacio 6, Marquez 4, Gabawan 4, Astrero 3, Acol 2, Aguirre 2, Resopa 0, Arcusa 0, Garcia 0. Novo Ecijano (80) —Tolentino 19, Cudal 9, Santos 9, Ferreria 8, Je Jilos 8, Cabigao 7, Poblete Jr. 4, Baldeh 4, Reyes 3, Villamayor 2, Mendoza 2, Jomento 2, Corpuz 1. Quartersco­res: 19-16, 50-37, 67-54, 92-80.

 ?? DIRECT CARLO ?? HITIK sa aksiyon ang mga laro sa Community Basketball Associatio­n (CBA), ang pinakabago­ng liga sa grassroots level, na inorganisa ni dating actor Carlo Maceda.
DIRECT CARLO HITIK sa aksiyon ang mga laro sa Community Basketball Associatio­n (CBA), ang pinakabago­ng liga sa grassroots level, na inorganisa ni dating actor Carlo Maceda.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines