Balita

Tour de France rider, umarya sa UCI-sanctioned Ronda Pilipinas

-

PANDAN, Antique— Petiks-petik sa kabuuan ng karera, napanatili ni Spaniard Francisco Mancebo Perez ng Matrix Powertag Japan ang bentahe para ungusan ang mga locall stars sa pagtatapos kahapon ng LBC Ronda Pilipinas.

Hindi na nakahirit ng podium matapos maghari sa unang stage, nagpakatat­ag na lamang ang Tour de France veteran sa kabuuan ng karera para makopo ang korona sa pina-igsing ruta at UCI puntos matapos bigyan ng sanctioned ang karera.

Bumuntot sina Dominic Perez ng 7 Eleven Cliqq Air21 ang final stage kontra kay Ronald Oranza ng Navy-Standard Insurance.

Dumikit at hindi na bumitaw si Perez, 42, sa kabuuan ng 148.9-kilometer fifth at final stage na binitiwan sa El Pueblo grounds sa Roxas City at nagtapos sa harap ng Grand Bay Insitute.

Ipinagbuny­i ang tagumpay ni El Joshua Carino.

Nahiritan ni Carino, 2018 Le Tour champion, ang mga karibal kabilang sina reigning Tour de Langkawi champion Artem Ovechkin at two-time Southeast Asian Games gold medalist Mohd Harrif Saleh of Terengganu. Naitala niya ang tatlong oras, 24 minuto at 37 segundo.

“I’m so happy it was over and we won,” pahayag ni ancebo. “The team, not just myself, worked hard to make this win happen, it was really team work.”

Sa overall, pangalawa si Oranza, last year’s Ronda king na nagdiwang ng kanyang ika-25 kaarawan may 3:20 ang layo.

“I’m okay with the top Filipino rider award. It still feels like I’m the back-to-back champion of Ronda,” sambit ni Oranza.

Kumabiig sa stage 5 sina Navy’s Jan Paul Morales (4:03 behind), Matrix’s Sano Junya (4:21), Korail Korea’s Joo Daeyeong (4:26), 7Eleven’s Irish Valenzuela (4:48), Army-Bicycology’s Mark Julius Bordeos (4:48), 7Eleven’s Rustom Lim (4:56) at Navy’s Rudy Roque (5:42).

Nakamit din ng grupo ni Mancebo ang overall team classifica­tion title sa kabuuang oras na US$1:36 laban sa 7Eleven (00:12) at Navy (0:56).

Ang Ronda ay presented ng LBC, sa pakikipagt­ulungan kay MVP Sports Foundation sa pagtataguy­od ng Versa 2-Way Radio, Juan Movement Partylist, Joel P Longares Foundation, Standard Insurance, Bike Xtreme, Green Planet, Prolite, Celeste Cycles, Maynilad, 3Q Sports, Boy Kanin, Mega World, Festive Walk, Seda Atria at LBC Foundation and in partnershi­p with the Department of Tourism, Department of Environmen­t and Natural Resources, Iloilo City at the Province of Guimaras.

 ??  ?? UMUSAL ng panalangin si Spaniard Francisco Mancebo Perez ng Matrix Powertag Japan bago bitiwan ang final stage ng LBC Ronda Pilipinas.
UMUSAL ng panalangin si Spaniard Francisco Mancebo Perez ng Matrix Powertag Japan bago bitiwan ang final stage ng LBC Ronda Pilipinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines