Balita

Pekeng lipstick: Mura na, toxic pa

- Ni Chito A. Chavez

Kailangan ng bagong lipstick para sa Valentine’s date mo mamayang gabi? Mahalagang tiyakin na hindi peke at toxic ang iyong lipstick.

Isang araw bago ang pagdiriwan­g ng Valentine’s Day ngayong Huwebes, nagbabala kahapon ang environmen­tal group na EcoWaste Coalition laban sa mga lipstick na posibleng may nakalalaso­ng kemikal, na lantarang ibinebenta sa merkado.

Pinaalalah­anan ng toxic watchdog ang mga lipstick lover na ang paggamit ng pekeng brand ng lip color ay maaaring maglantad sa kanila sa lead at sa iba pang nakalalaso­ng kemikal na masama sa kalusugan.

Ito ay matapos matuklasan na 61% sa 115 samples na galing sa 11 brand ang naglalaman ng lead na lampas sa 20 parts per million (ppm) limit, base sa pamantayan ng ASEAN Cosmetic Directive (ACD).

Bukod sa lead, ilang samples din ang nagpositib­o sa mercury (32 samples), arsenic (53 samples), at cadmium (10 samples).

Nabili sa halagang P10-P50 sa mga tindahan sa Baclaran, Cubao, Divisoria at Quiapo ang lahat ng sample, na pawang hindi rehistrado sa Food and Drug Administra­tion (FDA).

Kabilang sa mga produkto na may delikadong sangkap ng lead ang Qianxiu Hello Kitty #01, MAC Mariah Carey #02, Qianxiu Hello Kitty #10, MAC Mariah Carey #06, Qianxiu Unicorn #10, MAC Zacposen Rudy Woo #12, MAC Charm Red Lips Rudy Woo #12, Qianxiu Fashion #01, Baby Lips Perfect Match, at Monaliza Series #10.

“The levels of lead in these lipsticks are way beyond the permissibl­e limit and, without a shred of doubt, a serious safety concern. Teen girls and adult women should avoid these poison lipsticks as lead, a cumulative toxicant, can build up in the body over time with frequent applicatio­n of such lipsticks. There is no safe level of lead exposure,” sabi ni Thony Dizon, chemical safety campaigner ng EcoWaste Coalition.

Samantala, hinikayat din ng grupo ang mga ahensiya na palakasin ang kanilang pagbabanta­y sa pagpasok ng mga nakalalaso­ng cosmetic product na karamihan ay inaangkat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines