Balita

Election hotspots, madadagdag­an pa

- Aaron B. Recuenco

Pinaghahan­daan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagdami ng mga lugar na mapapabila­ng sa listahan ng election hotspots sa pagsisimul­a ng campaign peiod para sa mga lokal na kandidato sa susunod na buwan.

Sa kabila nito, siniguro ni PNP Spokesman Senior Supt. Bernard Banac na walang dapat alalahanin ang publiko, lalo dahil tukoy na ng ahensiya ang mga lugar na posibleng pagmulan ng gulo.

“There is nothing to worry. This (hotspot list) serves as a guide of our security forces on where they would focus on,” sabi ni Banac.

Nitong Martes, kinumpirma ng PNP na lumobo sa 701 ang mga mga lungsod at bayan na nasa listahan ng hotspots, o 42.9 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga bayan at siyudad sa Pilipinas.

“But these are not permanent. Maybe next week it would decrease or maybe it would increase. That is why we are conducting weekly assessment on this,” paliwanag pa ni Banac.

Inaasahang madadagdag­an pa ang election hotspots sa pagsisimul­a ng kampanya ng mga kandidato sa mga lokal na posisyon sa Marso 29.

Base sa datos, mas madugo ang kampanyaha­n para sa mga lokal na kandidato.

Samantala, bukod sa PNP, hiningi na rin ang tulong ng militar sa mga lugar na may presensiya ng malalaking armadong grupo tulad sa silangang bahagi ng Mindanao at sa central at western Mindanao kung saan kumikilos ang mga rebelde.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines