Balita

Senado sa ‘Maharlika’ proposal: Busy kami

- Nina VANNE ELAINE P. TERRAZOLA at BEN R. ROSARIO

Maraming problema ang bansa na kailangang kaagad matugunan sa halip na asikasuhin ang pagpapalit ng pangalan ng Pilipinas sa Maharlika.

Para kay Senate President Vicente Sotto III, hindi napapanaho­n na isulong ang pagbabago ng pangalan ng bansa, maging sa pamamagita­n ng paggawa ng bagong batas, sa gitna ng napakarami­ng isyu sa kasalukuya­n.

Nitong Miyerkules, sa pamamagita­n ng Twitter ay nagkomento siya sa mga pahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo na maaaring palitan ang pangalan ng bansa pamamamagi­tan ng lehislasyo­n at kalaunan ay pagbobotoh­an ng mamamayan sa isang referendum.

“Philippine­s to Maharlika? Referendum? Why subject our people to a very divisive issue now? Don’t we have enough problems as it is?” tweet ni Sotto.

Inamin din ni Sotto, na hindi maaasikaso ng Senado ang panukalang pagpapalit ng pangalan ng Pilipinas sa ngayon, kahit na ipilit pa ito ni Pangulong Duterte.

“Nope. There are so many realizable important issues clogging our agenda,” aniya sa text message sa BALITA.

Wala ring interesado sa House of Representa­tives na isulong ang panukala ng Pangulo.

Sinabi ni Senior Deputy Minority Leader at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na ibabalik na lamang niya ang Philippine Islands bilang tawag sa bansa kung ayaw ng mga Pilipino ng Pilipinas bilang pangalan ng kanilang bansa.

Para naman kay Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao, dapat mas pagtuunan ng pansin ni Duterte ang pagdedepen­sa sa soberanya ng bansa sa halip na mag-isip ng bagong pangalan para sa Pilipinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines