Balita

‘Taho girl’ nasa kustodiya ng BI

- Mina Navarro at Liezle Basa Inigo

Ikinulong ng mga operatiba ng Bureau of Immigratio­n (BI) Intelligen­ce Division ang Chinese na nagsaboy ng taho sa isang pulis nitong Pebrero 9.

Ayon kay BI spokespers­on Dana Krizia Sandoval, dala ng kanilang mga operatiba ang isang mission order, na nilagdaan ni BI Commission­er Jaime Morente, upang kunin sa kanilang kustodiya si Zhang Jiale, 23, dahil sa paglabag sa batas ng imigrasyon.

“Zhang has already been charged as an undesirabl­e alien for posing as a risk to public interest. The incident showed her disrespect towards persons of authority, which in turn shows her disrespect to the country,” ani Sandoval.

Samantala, muling nakiusap ang foster parents ni Jiale ng patas na imbestigas­yon.

Ito ay matapos na damputin ng BI ang dayuhan.

“Nagmamakaa­wa, umiiyak at halos na-trauma na ang bata,” pahayag ni Oscar Saplaco.

Ayon kay Atty. Sandra Respall, walang ibinigay ang BI na kopya ng mission order at hindi siya pinasama sa kanyang kliyente.

Giit ni Respell, warrantles­s arrest ang ginawa ng BI.

Pinag-iisipan ng kampo ni Zhang na magsampa ng kaso sa umano’y warrantles­s arrest na nangyari.

Una nang sinabi ni Respall na nagawa ng kanyang kliyente ang pananaboy ng taho sa pulis nang sabihin umano nito na, “You Chinese are not welcome in the Philippine­s.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines