Balita

2-anyos tigok sa tigdas

- Calvin D. Cordova at Mary Ann Santiago

CEBU CITY – Patay ang 2-anyos na babae dahil sa tigdas, ikatlo sa mga nasawi sa Central Visayas simula nang ideklara ang measles outbreak sa rehiyon.

Ang bata ay mula sa Pinamungaj­an town, Cebu.

Sa datos ng Regional Epidemiolo­gy and Surveillan­ce Unit (RESU), simula Enero 1 hanggang Pebrero 12, may 169 na kaso ng tigdas sa Central Visayas at 46 sa mga ito ay mayroon nang laboratory confirmati­on.

Cebu ang nananatili­ng pinakamara­ming kaso sa rehiyon, 119; sinundan ng Negros Oriental, 39. Ang Bohol ay may 10 kaso; habang ang Siquijor ay may isa.

Samantala, sinimulan ng Department of Health (DoH) ang mass immunizati­on activity sa mga kainan sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon (Calabarzon), kasunod ng pagdedekla­ra ng measles outbreak.

Unang sinuyod ng DoH ang mga fastfood chains sa Biñan, Laguna, kasama ang lokal na pamahalaan para magsagawa ng pagbabakun­a.

Mismong sina DoH Regional Director Eduardo C. Janairo at Biñan City Mayor Arman R. Dimaguila, Jr. ang nanguna sa ceremonial measles immunizati­on at pagbibigay ng oral polio vaccine sa mga bata, na nasa edad anim na buwan hanggang anim na taon.

"This is an initiative of the City Government of Binan and we are pleased that they were the first to implement this activity in support of our national government’s call for a massive immunizati­on of children ages 5 months to 6 years old to further prevent the increasing number of measles and to bring down the cases not only in CALABARZON but the whole country as well," pahayag ni Janairo, sa pagbubukas ng vaccinatio­n center sa isang fastfood chain sa Barangay Sto. Domingo, Biñan.

 ?? JUAN CARLO DE VELA ?? Nagkaloob kahapon ang Department of Health (DoH-7) ng libreng bakuna laban sa tigdas sa Cebu City,upang labanan ang outbreak sa rehiyon.
JUAN CARLO DE VELA Nagkaloob kahapon ang Department of Health (DoH-7) ng libreng bakuna laban sa tigdas sa Cebu City,upang labanan ang outbreak sa rehiyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines