Balita

Tsuper na may free ride sa seniors, PWDs, pinarangal­an

- Lyka Manalo

BATANGAS CITY — Sa ilalim ng batas, ang mga senior citizens at persons with disabiliti­es (PWDs) ay may 20 porsiyento­ng discount sa pamasahe, ngunit para kay Conrado Comia, jeepney driver, sila ay libre.

At dahil sa kahanga-hangang kabaitan na kumalat sa social media, tumanggap ng certificat­e of commendati­on ang 42-anyos na jeepney driver, ng Barangay Mahacot East, mula sa Sanggunian­g Panlungsod (SP) dito, nitong Martes.

Inaprubaha­n ng SP ang isang resolusyon, na inisponsor­an ni Councilor Oliver Macatangay, chairman ng Committee on Transporta­tion.

Sinabi ni Macatangay na si Comia ay magandang halimbawa sa lahat ng mga driver.

Sabi ni Comia, na nagmamaneh­o ng public utility vehicle sa loob ng 15 taon, sinimulan niya ang libreng sakay sa mga senior citizen nitong Setyembre ng nakaraang taon.

"Naisip ko kasi ang mga senior wala ng income, baka umaasa na lang sa mga anak, maliit na bagay lang naman ang nagagawa ko, nakakatuwa at na-appreciate nila" pahayag ni Comia sa BALITA.

Aniya, karamihan ng kanyang matandang pasahero ay nagrerekla­mo dahil matagal silang makasakay dahil binabalewa­la ng ibang mga tsuper.

"Minsan may naisakay ako matandang lalaki ang dami niyang dalang dalandan ang tagal daw niyang nag aabang pero hindi siya pinapasaka­y ako na lang ang nagpasakay, ako na rin ang nagbuhat ng mga gamit n'ya"

Si Comia ay namamasada sa rutang SM-Capitolio-Bayan, na ino-operate ng kanyang bayaw.

"Sana yung ibang driver isakay nila ang mga matatanda lalo na kapag may mga dalang gamit, yung iba naman nagsasakay talaga, mayroon ayaw kasi sabi nila matagal daw sumakay tapos nakakaabal­a sa mga pasahero" ani Comia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines