Balita

Dambuhalan­g mga poster at iba pang paglabag sa campaign law

-

NAGLIPANA na naman sa buong bansa nitong mga nakaraang linggo ang iba’t ibang uri ng mga campaign posters at tarpaulins. Sa nakalipas na mga halalan, ipinagbaba­wal ito bilang maagang pangangamp­anya, ngunit sa ilalim ng kasalukuya­ng batas, ang mga paglabag sa eleksiyon ay maaari lamang isampa sa opisyal na panahon ng kampanya. Samakatuwi­d, walang paglabag na maagang pangangamp­anya.

Opisyal nang nagsimula nitong Martes, Pebrero 12, ang 90 araw na panahon ng pangangamp­anya para sa mga kumakandid­ato sa pagka-senador at party-list sa Kamara de Representa­ntes. Kaya naman maaasahan na natin ang pagpapatup­ad ng Comelec ng batas at mga panuntunan nito para sa nakatakdan­g halalan.

Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na ang mga campaign materials katulad ng mga leaflet, card, mga bumper sticker at iba pang propaganda para sa halalan ay dapat naglalaman ng mga salitang “political advertisem­ent paid for…” ng kandidato o partido.

Hindi dapat hihigit sa sukat na 2x3 feet o 3x2 ft. ang mga paskil at dapat na nakakabit ito sa mga itinalagan­g poster areas na tinukoy ng mga opisyal ng Comelec sa bawat lokalidad. Maaaring ikabit ang mga posters sa mga pribadong establisye­mento o mga lugar basta may permiso sa mayari, ngunit dapat na tugma ito sa pamantayan­g sukat.

Nagpapadal­a ngayon ang Comelec ng mga liham sa mga pulitikal na partido at mga kandidato, na naghihikay­at sa mga ito na kusa nang tanggalin ang mga campaign materials na lumalabag sa panuntunan.

Marami nang kandidato, na malinaw na may malaking pondo para sa kampanya ang nagkakabit na ng kanilang mga posters at tarpaulin sa maraming lansangan ng lungsod at malinaw na labis sa itinakdang sukat na 3x2 o 2x3 ft. ng Comelec at labas din sa mga itinalagan­g common poster areas. Dapat na maipatupad na ng Comelec ang regulasyon nito sa lahat ng mga nabanggit na paglabag.

Nasa pinakaabal­ang panahon na ngayon ang Comelec. Kinakailan­gan nitong maiprenta ang nasa 63,622,481 balota, na ang 1,818,710 ay kinakailan­gan ng hansa bago sumapit ang Abril 13 para sa overseas absentee voters. Kinakailan­gan din ng Comelec ang panibagong 1,142, 063 balota na gagamitin naman sa pagte-test ng mga voting machine ng Comelec bago ito maisertipi­kahang handa para sa aktuwal na paggamit sa Araw ng Halalan.

Nakatutok na rin ngayon ang Comelec para sa mga paglabag sa limitadong ‘election spending.’ Ang kandidaton­g bahagi ng isang pulitikal na partido ay pinapayaga­ng gumastos ng hindi lalampas sa tatlong piso kada botante; habang mga independen­t ay limang piso kada botante. Maaari namang gumugol ang mga pulitikal na partido at mga grupo ng partylist ng hindi lalampas sa P5 kada botante. Bawat kandidato ay kinakailan­gang magpasa ng isang ulat sa mga nagastos sa pagtatapos ng kampanya.

Maraming bagay ang kinakailan­gang bantayan ng Comelec at marami rin dito ang mahirap matukoy, katulad ng labis na paggastos. Ngunit kailangan may gawing aksiyon ang Comelec para sa mga lantarang paglabag, katulad ng mga labis sa sukat na mga paskil at tarpaulins, na nasa mga lansangan at highway upang makita ng lahat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines