Balita

Kapag buhay ang inutang

- Celo Lagmay

SA isang aksiyon na matagal na sanang dapat isinagawa, napagkaisa­han ng mga mambabatas na muling ipataw ang parusang kamatayan sa sinumang nag-iingat ng illegal drugs samantalan­g sila ay dumadalo sa salu-salo, pagpupulon­g at iba pang social gatherings. Sa third at final reading sa naturang panukalang-batas, pinagtibay din ang kaakibat na multa mula sa P5 hanggang P10 milyon.

Ang muling pagpapataw ng capital punishment o death penalty ay bahagi ng pinag-isang 15 panukalang-batas, na pinagtibay sa pamamagita­n ng 172 affirmativ­e votes at walang isa mang negative vote. Bahagi ito ng magiging susog o amyenda sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 (CDDA) na matagal nang isinusulon­g hindi lamang ng mga mambabatas kundi maging ng iba’t ibang sektor ng sambayanan na matagal na ring ginigiyagi­s ng matinding problema sa ipinagbaba­wal na droga. Naniniwala ako na kailangan nang lubos na malipol ang panganib na inihahasik ng mga user, pusher at drug lords na walang humpay sa pamamayagp­ag sa mga komunidad; pagpuksa sa naturang kasumpa-sumpang bisyo sa pamamagita­n ng pagpapataw ng death penalty.

Totoo na ang nabanggit na panukalang­batas ay nakatuon lamang sa pagsusog sa CDDA hinggil sa pagpapataw ng capital punishment sa mga nag-iingat ng illegal drugs. May mga pahiwatig na hindi na kailangan ang nasabing amyenda sa matuwid na kabi-kabila naman ang napapatay na sugapa sa droga, lalo na kung sila ay nanlalaban sa mga alagad ng batas kapag sila ay nasusukol sa pinagtatag­uan nilang mga drug den. Gayunman, kailangan ang nabanggit na pagsusog upang lalong tumatag ang ating penal system.

Magkagayon man, naniniwala ako na palalawaki­n ng mga mambabatas ang pagamyenda sa CDDA at sa iba pang batas upang mapatawan din ng death penalty ang sinumang mahahatula­n sa kasong pagpatay, panggagaha­sa, pagdukot at iba pang karumal-dumal na mga krimen. Sa pagsusulon­g ng gayong mabigat na parusa, natitiyak kong kabi-kabila ang mga pagtutol, lalo na sa pamunuan ng iba’t ibang religous groups, katulad ng Simbahang Katoliko. Nakaangkla ang nasabing mga pagkontra sa paniwala na Diyos lamang ang maaaring bumawi ng buhay ng kanyang mga nilikha.

Gayunman, lalong tumitindi ang aking paninindig­an na lubhang kailangan ang death penalty sa pagpuksa ng kahindikhi­ndik na mga krimen -- buhay ang dapat ipalit sa buhay na inutang, wika nga.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines