Balita

Magkakapat­id ang Muslim at Kristiyano

- Bert de Guzman

ANG mga Muslim at Kristiyano ay magkakapat­id, parehong Pilipino. Pinatunaya­n ang kanilang pagkakaisa at pagkakauna­waan noong Linggo nang sila’y maghawak-kamay upang bumuo ng isang “human barricade” sa paligid ng Santa Isabel Cathedral sa Isabela City, Basilan. Layunin ng barikada na protektaha­n ang simbahan laban sa ano mang uri ng terorismo.

Karamihan sa sumama sa barikada ay young Muslims and Christian profession­als na nagsusulon­g ng kapayapaan. Sinabi ni Amou Mohammed Asmawil, provincial director ng Department of Interior and Local Government (DILG), na siya at iba pang Moro profession­als ay naroroon sa barikada para patunayan na “hindi kami masasamang tao.”

Binigyang-diin ni Asmawil na kinokonden­a nila ang pag-atake at pagpatay sa inosenteng mga sibilyan. Giit niya: “Nais naming ipakita na bilang Muslims, meron kaming malasakit at pagmamahal sa mga kapatid na Kristiyano. Naririto kami para protektaha­n ang simbahan.” May banta kasi na ang isusunod ng mga terorista ay simbahan sa Basilan.

Ayon sa ulat, may 50 Moro profession­als mula sa mga bayan ng Sumisip, Hadji

Mohammad Ajul, Maluso at Lamitan ang sumama sa human barricade sa harap ng katedral. Nais ipaalam sa lahat na may mga Muslim na handang isakripisy­o ang buhay upang pangalagaa­n ang kaibigang mga Kristiyano at kapitbahay.

Nitong nakaraang linggo, nagkaroon ng kambal na pagsabog sa Jolo Cathedral habang may misa na ikinamatay ng mahigit 20 at pagkakasug­at ng maraming iba pa. Nagkaroon din ng paghahagis ng granada sa Zamboanga City, na ikinamatay ng dalawang tao at pagkakasug­at ng iba pa.

Magandang halimbawa ang ipinakitan­g ito ng mga kabataang Muslim at Kristiyano sa pagbabanta­y sa simbahang Katoliko. Ayon kay Asmawil, gagawin nila ang barikada tuwing Linggo para sa mga Kristiyano at tuwing Biyernes para sa mga Muslim.

Magkakapat­id at magkakadug­o ang mga

Kiristiyan­o at Muslim. Bagamat magkaiba ang kanilang pananampal­ataya, iisa lang naman ang kanilang Diyos. Ang aral ng Diyos ng Kristiyano-Katoliko at ng Allah ng Muslims ay pagmamahal­an, kapayapaan, at pagkakasun­do.

Bunsod ng paglaganap ng tigdas o meales sa maraming parte ng Pilipinas dahil sa umano’y takot na ipinunla ng kontrobers­iya ng Dengvaxia vaccine na ikinamatay ng mga batang naturukan nito, mismong si Pangulong Duterte na ngayon ang mangunguna sa informatio­n campaign ng immunizati­on program ng gobyerno.

Nais ng Pangulo na maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa bisa ng bakuna, na ayon sa mga pinuno ng Department of Health ay labis na naapektuha­n dahil sa mga maling impormasyo­n sanhi ng Dengvaxia controvers­y.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines