Balita

‘Do not hurt our children’

- Erik Espina

“DO not hurt our children.” Ito ang katagang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malabon noong nakaraang linggo, sa pagkakatao­ng ipatatayo ang isang ospital. Katulad ng

nakagawian, siya ay nagkuwento ng kanyang karanasan bilang alkalde ng Davao City. Binigyan niya ng babala ang mga tulak droga na huwag saktan at sirain ang kinabukasa­n ng ating kabataan.

Tumatak sa aking isipan ang nasabing talumpati dahil sa tatlong taong giyera kontra droga, ito ang saglit na naging napakalina­w kung bakit nagbabaga sa poot ang ating “Mayor” ng Republika. Sa kanyang pagpapaliw­anag ito ang kanyang pagsasalay­say. “Kung ang magulang ay kailangan dalhin sa pagamutan, sino ang sasama sa kanya? ‘Di ba anak? Kung may sakit ang magulang at payo ng doktor humimpil sa

ospital, sino ang magbabanta­y sa kanila?

‘Di ba anak? Kung matanda na ang mga magulang at mabaho na kami, sino ang magpupunas o magpapalig­o sa amin? ‘Di ba anak.

Kung dumating na ang kabanata na dadalhin na sa huling hantungan ang ating mga ina…ama…sino ang maghahatid at maglilibin­g sa kanila? ‘Di ba ang anak!”

Kaya ito ang naging sigaw ng Pamahalaan ni Duterte sa Davao, at magpahangg­ang ngayon – “Do not hurt our children.” Sinisira ng droga ang maselang kultura ng Pilipino sa pagbibigay respeto sa mga magulang, pagaruga sa kanila at sa paghahatid sa huling

hantungan.

Ganoon kalalim ang pananaw ng ating Pangulo. Bagay na hindi niya buong ipinaunawa sa mga Pilipino sa unang mga araw at taon ng kanyang panunungku­lan. Marahil ito ang kanyang nadarama sa problema ng bansa sa droga, na sana ay napagtanto natin noong una pa lamang.

Malalim ang pinaghuhug­utan ni Duterte lalo’t alam ng lahat kung gaano niya kamahal ang sarili niyang mga magulang. Magugunita ang larawan na unang inilathala sa pahayagan kung saan niyayakap nito ang puntod ng kanyang ina nang nagwagi siya bilang presidente ng Pilipinas.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines