Balita

Sulong, Romblon!

- Aris Ilagan

ALAM mo ba kung saan matatagpua­n ang Romblon? Malamang ay hindi mo batid kung saan ang lokasyon nito dahil ito ay isa sa mga lugar na tila napag-iwanan na ng panahon.

Ang Romblon ay kilala bilang “Marble Capital of the Philippine­s” dahil maski saan ka lumingon sa lugar ay tiyak na makakakita ka ng tagiliran ng bundok na puno ng

marmol.

Sa kabila ng likas na yaman nito, lalo na sa supply ng marmol, nananatili itong 3rd class municipali­ty sa hanay ng mga siyudad at bayan sa Pilipinas.

Ito ang unang pagkakatao­n matuntong ko ang Romblon, Romblon. Ang lalawigan ng Romblon ay kinabibila­ngan ng maliliit na isla kaya hirap ang gobyerno at pribadong sektor na mabigyan ito ng sapat ng supply ng kuryente nitong nakaraang mga dekada.

Kapag nakausap niyo ang mga Romblomano ay sasabihin nila sa inyo na umaga, tanghali at gabi sila ay nakararana­s ng brownout.

At kung may supply ng kuryente, nagpafluct­uate ito parang blood pressure ng tao.

Ang kakulangan ng supply ng kuryente ang dahilan kung bakit hindi umuusad ang

ekonomiya ng Romblon.

Hanggang ngayon ay wala kayong makikitang sinehan, shopping mall, 3-star hotel, theme park at maging fast food chain sa Romblon.

Tatlong lumang diesel power plant ang lumilikha ng kuryente para sa mga munisipali­dad ng lalawigan subalit sa kabila nito, malaki pa rin ang kakulangan ng kuryente doon.

Subalit kamakailan, pumasok ang dalawang higanteng kumpanya – Honda Motor Co. Ltd at Komeihalte­c na kapwa nakabase sa Japan – upang tumulong sa paghahanap ng karagdagan­g supply ng kuryente para sa mga Romblomano­s.

Nitong nakaraang dalawang taon, naitayo ng dalawang kumpanya ang tatlong wind turbine na halos kahawig ng mga turbina na makikita sa

Ilocos Norte at Tanay, Rizal.

Sa pakikipagt­ulungan ng Romblon Electric Cooperativ­e (Romelco), naitayo ang mga higanteng turbine, na kayang lumikha ng 300kW na kuryente. Ang nailikhang kuryente ay isinasama sa kuryenteng mula sa tatlong diesel power plant.

Dahil dito, sobra naman ang supply ng kuryente para sa mga isla ng Romblon.

Upang hindi maaksaya ang mga nalilikhan­g kuryente, nagdisenyo ang Honda Motor Co. ng mobile battery power pack, na pag-iimbakan ng kuryente.

At ang mga battery power pack na ito ang nagbibigay ng kuryente sa 100 Honda PCX electric scooter na umiikot na sa buong isla gamit ng mga empleyado ng Romelco at residente sa lugar.

Hindi ba hanep ito?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines