Balita

LizQuen, suportado ng JoshLia

-

NAKAUWI na sa Pilipinas si Julia Barretto mula sa dalawang linggong bakasyon mula sa Mexico at sa mga karatig na lugar, kung saan sinulit niya nang husto ang bakasyon niya, base na rin sa mga litratong ipinost niya sa Instagram.

Nakita naming magkasaman­g dumalo si Julia at ang boyfriend niyang si Joshua Garcia sa premiere night ng pelikulang

Alone/Together nina Enrique Gil at Liza Soberano. Idinirek ni Antoinette Jadaone ang pelikula, produced ng Black Sheep at Project 8 corner San Joaquin Projects, na pag-aari ni Direk Tonette at ng boyfriend at kapwa direktor na si Dan Villegas.

Madilim sa sinehan kaya hindi namin nakita ang reaksiyon ng JoshLia sa mga eksenang nakakaiyak, pero napansin naming seryoso ang dalawa.

Kaibigan ni Julia si Liza, dahil sabay silang ini-launch ng Star Magic Batch 19 noong 2013, kaya nagsusupor­tahan talaga silang dalawa.

Going back to Julia’s vacation sa Mexico, ang gaganda ng mga litratong ipinost niya sa IG simula noong Enero 31, na paalis siya.

Caption ni Julia: “5 airports in 2 weeks! I’m ready.”

Walang binanggit si Julia kung kasama niya ang pamilya niya dahil walang litratong magkakasam­a sila.

At obviously, hindi niya kasama ang boyfriend na si Joshua, base na rin sa post ng aktres na nakaupo siya at may caption na, “Hey love, I really wish you were here.”

Anyway, tawang-tawa naman kami sa mga nabasa naming sagutan ng magkakaibi­gang Julia, Liza, at Janella Salvador, sa litratong ipinost ng una na may suot siyang dilaw na twopiece bikini habang nakaharap sa dagat.

Caption ni Julia: “The healing power of the ocean.”

Komento ni Liza, “You need to STOP. Before we all have heart attacks. You’re just so beautiful.”

Sagot ni Julia kay Liza: “@lizasobera­no excuse me miss, do you realize how much heart attacks you’ve already given us with your beautiful face because I lost count of mine?”

Hirit naman ni Janella: “@juliabarre­tto @ lizasobera­no All the heart attacks in this country are being caused by both of you so YOU BOTH BETTER STOP.”

Ang magandang sagot ni Julia: “@ superjanel­la do you realize that every single time @lizasobera­no and I have to perform with you with your perfect face and your perfect voice, we get a heart attack. YOU STOP.” O, ‘di ba, nakakaaliw at pawang positibo ang mga nabasa rin naming komento sa nasabing sagutan ng magkakaibi­gan. Umabot pa nga sa 1,730 comments at 423k likes ang nagmula sa followers ni Julia.

Ginawang joke tuloy ng followers ang “You stop” comment ng tatlong magagandan­g dilag.

Ayon kay @jea-franzen: “You beautiful ladies need to STOP because all the heart attacks in this country, I mean the universe rather, are being caused because of your beautiful faces, beautiful body, beautiful skin, beautiful smile all of it so you better stop. LOVE YOUUUU SO MUCH. Hope na mapansin n’yo ako. Thank you and God bless.”

Mula naman kay @asdfgelec_xoxo: “You three better STOP causing us heart attacks right now. Gorgeous Ladies inside and out.”

By the way, kasama rin si Janella nina Julia at Liza sa Star Magic Batch 19.

 ??  ?? Joshua at Julia
Joshua at Julia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines