Balita

Pinoy ‘Expendable­s’, dream project ni Monsour

- Ador V. Saluta

SINAMAHAN namin si

Monsour del Rosario last weekend sa kanyang pagiikot sa District 2 ng Makati City, partkular na sa Ospital ng Makati, kung saan nakita niya ang kalunus-lunos na eksena ng mga pasyenteng matagal na naghihinta­y sa ER bago maisalang sa gamutan.

“Nakakaawa sila, sa dami ng pasyente, hindi kinakaya ng aircon ang dami ng tao. Mainit, nakakaawa,” sabi ni Monsour.

Ito raw ang una niyang pagtutuuna­n ng pansin kapag siya’y nakabalik sa paglilingk­od sa Makati. Hangad niyang maging susunod na vice mayor ng Makati under ex-Mayor Junjun Binay.

Sa aming panayam sa dating aktor, bagamat priority pa rin niyang maisulong ang sports sa bansa, still nami-miss niya paminsan-minsan ang showbiz.

Kinumpirma ni Monsour na may alok si Ronnie Ricketts, 53, para magbida silang tatlo ni Robin Padilla, 49, sa isang action movie. “Si Robin, si Rockets [palayaw ni Ronnie], saka ako—sabi ko, parang mahirap yata. Kasi, ang schedule,” sambit ni Monsour.

Sabi naman daw sa kanya ni Ronnie: “‘Tatlo tayong bida. Hindi naman solo. So, hindi mo kailangang mag-shooting araw-araw.’ Sabi ko, ‘Sige, ihati natin ‘yung pelikula. One third, one third, one third or something’.

“Sabi ko, ‘Bakit hindi tayo gumawa ng parang Expendable­s, na parang (Sylvester)

Stallone, ‘yung matatandan­g action stars, magsama-sama uli, ‘di ba?’”

Ang The Expendable­s ay action film series na pinangunah­an ni Sylvester Stallone, kasama ang iba pang A-list Hollywood action stars, na ipinalabas noong 2010, 2012, at 2014.

Sinu-sino pa ang gusto niyang makasama na veteran action stars?

Napangiti si Monsour. “Kung sino pa ‘yung maganda ang katawan at may hitsura! ‘Yung iba kasi, lumobo na, eh!

“Si Jeric [Raval], okay. Si Kuya Lito

[Lapid]. Si Bong [Revilla]. Si Jinggoy [Estrada]. Si Edu [Manzano]. Gumawa tayo ng parang Expendable­s,” excited na sabi ni Monsour. “Sina Sylvester Stallone, Dolph Lundgren... e, 70 years old na ang mga ‘yun. Eh kami nasa 50s lang kami, ‘di ba? So, gawa tayo ng ganun. ‘Yun, medyo okay.

“Masaya kasi yung ganun, magsama-sama ‘yung old school action stars. Para ipakita natin sa mga kabataan, ito ang mga totoong action stars. Ganitong mga akting, ganitong mga galaw, ganitong mga kilos.

“Kasi, nawala na ‘yung mga... wala na si Baldo [Marro]. Wala na si Kuya Daboy [Rudy Fernandez].

Wala na si Tito Ronnie [Fernando

Poe Jr.], ‘di ba? ‘Yung mga haligi ng aksiyon, nawawala na.

“Kaya sabi ko nga kay Binoe [Robin], ‘Pare, ikaw na lang ang natitira sa amin.’ Kasi ako, congressma­n na. Sina Bong at Jinggoy, nagsenador na. Si Lito Lapid, nag-senador na, although nag-Probinsyan­o siya for a while. “Sabi ko, ‘Sana, makagawa tayo ng parang

Eagle Squad dati.’ ‘Yan, gusto ko yun. Puwede naman, eh!”

Ang iba pang veteran action stars na puwedeng makasali sa local version ng Expendable­s ay sina Phillip Salvador, Efren Reyes Jr., Daniel Fernando, at Dan Fernandez. Sumubok ding mag-aksyon sina Richard

Gomez at Gabby Concepcion, pero mas kilala sila sa drama projects.

Time management daw ang sikreto para magampanan ni Monsour ang pagiging aktor at pulitiko at the same time. Noong congressma­n siya, nakatapos siya ng dalawang pelikula, ang Blood Hunters na kinunan sa Morong, Bataan; at Trigonal, na kinunan naman sa Bacolod. Parehong ipinalabas ang dalawang pelikula noong nakaraang taon.

“Monday to Wednesday, nasa Congress ako. Wednesday night, biyahe na ako pa-location. Thursday to Sunday, shooting,” kuwento pa ni Monsour. “Sunday ng gabi, balik ako ng Makati. Monday morning, punta na ako ng Congress. Trabaho na. Ganun ang routine ko habang may shooting.”

Okay lang kay Monsour sakaling alukin siya ng drama o romantic movie, kahit makatambal pa ang ex niyang si Dawn Zulueta..

“Okay lang siguro. Trabaho naman iyan, eh,” pahayag niya. “May mga asawa naman sila.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines