Balita

Directors ng ‘ Two Catalonias’, isinauli ang award

-

SINABI ng mga direktor ng Netflix documentar­y na Two Catalonias nitong Martes na ibinalik nila ang natanggap nilang German award dahil sa involvemen­t ng Catalonia former president na si Carles

Puigdemont sa seremonya na nag- “politicise­d” sa dapat ay diwa ng kanilang obra.

Mismong si Alvaro Longoria, na lumikha ng pelikula tungkol sa krisis na idinulot ng nabigong 2017 independen­ce bid ng Catalonia kasama si Gerardo Olivares, ang tumanggap ng Cinema for Peace Foundation award mula sa kamay ni Carles sa Berlin nitong Lunes ng gabi.

Bukod sa pagbibigay ng award para sa “cinema for peace and justice,” binanggit ni Carles sa kanyang talumpati ang trial na nagsimula nitong Martes sa Madrid ng 12 Catalan separatist leaders hinggil sa bid.

Tumapak din ito sa entablado bilang German soprano at inawit ang Don’t Cry For Me, Catalonia

– bersiyon ng

Don’t Cry For Me, Argentina mula sa hit musical na Evita.

“We returned the prize this morning. It became a political rally which we did not want to take part in,” pagbabahag­i ni Alvaro sa AFP.

“We felt it did not represent the spirit of the documentar­y, which is neutral, and that it failed our profession­al ethics. We do not want to be a tool of informatio­n manipulati­on,” dagdag pa niya.

Ayon kay Alvaro, nagdesisyo­n lamang siyang dumalo sa seremonya matapos sabihin ng mga organizer na hindi magiging “politicise­d” ang seremonya at ibibigay lang ni Carles ang award.

Tumanggi naman na dumalo sa awarding si Gerardo, na isa rin sa mga direktor nang malaman nitong dadalo sa pagdiriwan­g si Carles.

Si Carles, na lumipad paSpain matapos mabigo ang deklarasyo­n ng independen­ce sa Catalonia noong October 27, 2017, ay hindi kabilang sa 12 defendants na nakasalang sa trial.

 ??  ?? Alvaro
Alvaro

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines