Balita

Meghan being harassed just like Diana — George Clooney

-

LOS ANGELES (Reuters) – Hina-harass ng media si Meghan Markle tulad ng ginawa nila kay Princess Diana, na nasawi sa isang car crash habang hinahabol ng mga paparazzi, ayon sa kanyang kaibigan na si George Clooney.

Present sa kasal nina Prince Harry

at Meghan ang mag-asawang George at Amal Clooney noong nakaraang taon nang maging bahagi ang American actress ng British royal family.

Tulad ng alam ng lahat, ipinagbubu­ntis ng Duchess of Sussex ang kanyang unang anak, bagay na lalong nagpatindi sa interes ng media.

“They’re just chasing Meghan Markle everywhere, she’s been pursued and vilified,” pahayag ng aktor sa Australian magazine na WHO.

“She’s a woman who is seven months pregnant and she has been pursued and vilified and chased in the same way that Diana was and it’s history repeating itself,” paliwanag ni George.

Nitong nakaraang linggo, inalabas ng ilang media ang isang intimate letter na umano’y ipinadala ni Meghan sa kanyang ama.

“I can’t tell you how frustratin­g that is,” giit ng Up In the Air star.

“Just seeing them broadcast a letter from a daughter to a father, she’s getting a raw deal there and I think it’s irresponsi­ble and I’m surprised by that.”

Nitong nakaraang buwan, ibinahagi ng limang malalapit na kaibigan ni Meghan sa People na tinitiis ng duchess ang “lies and untruths” at “global bullying” kaya naman nangangamb­a sila sa magiging epekto nito sa kanya at sa baby.

 ??  ?? George Meghan
George Meghan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines