Balita

3 Sports, sentro ng talakayan sa TOPS ‘Usapang Sports’

-

TATLONG larangan ng sports ang sentro ng talakayan sa 10th ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organizati­on in Philippine Sports (TOPS) ngayon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Ilalahad ng Table Tennis Associatio­n for National Developmen­t (TATAND), sa pangunguna ni honorary president Charlie Lim, ang ilalargang 9th Flexible Cup Internatio­nal Table Tennis Championsh­ip sa Pebrero 15-17 sa Activity Center ng Harrizon Plaza sa Manila.

Makakasama ni Lim sa ‘Usapang Sports’ ganap na 10:00 ng umaga, si veteran internatio­nalist John Russel Misal na inaasahang magbibigay ng kanyang naging karanasan sa pagsabak sa World Championsh­ip of Pingpong kamakailan sa London kung saan umabot siya sa Roundof-16.

Panauhin din sa lingguhang talakayan na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) at at suportado ng National Press Club (NPC), sa pamumuno ni Lakay Gonzalo si billiards champion at ngayon ay Mandaluyon­g City Barangay Malamig Chairman Marlon Manalo. Bukod sa pagpapalak­as ng sports program sa nasasakupa­ng barangay, aminado si Manalo sa pagnanais na makabalik sa National Team upang makalaro sa 3oth Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.

Bisita rin sa programa ng pinakabago­ng media sports organizati­on sa bansa si dating collegiate star BJ Manalo, organizer ng Quezon City Basketball League (QCBL) kasama si coach Alvin Grey ng champion team Trinity College, habang ilalahad ni coach Beaujing Acot ang gaganaping Visayas leg ng Community Basketball Associatio­n (CBA).

Ang TOPS ay binubuo ng mga lehitimong editors, reporters, columnists at photograph­ers ng mga pangunahin­g tabloid na pahayagan sa bansa,kaakibat ang PTV-4 at ilang broadsheet newspapers. Inaaanyaya­han ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng miyembro at opisyal, maging ang publiko na dumalo sa programa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines