Balita

NAKAUNGOS!

Golden States Warriors, naisalba ang dominanten­g Utah Jazz

-

OAKLAND, Calif. (AP) — Nakabawi si Stephen Curry sa malamyang opensa sa naisalpak na dalawang krusyal na three-pointer sa fourth period para tulungan ang Golden State Warriors sa comefrom-behind 115-108 panalo kontra sa matikas na Utah Jazz nitong Martes (Miyerkoles sa Manila).

Nag-ambag si Kevin Durant ng 28 puntos at pitong assists. Kumana si Curry ng 24 puntos mula sa 8-of-19 shooting. Namintis ng two-time MVP ang unang limang pagtatangk­a sa threepoint at tumapos na may 5-of-14.

Kumubra si Klay Thompson ng 22 puntos, habang tumipa si DeMarcus Cousins ng 12 puntos at 10 rebounds para sa ikaapat na sunod na panalo at ika-16 sa huling 17 laro ng Warriors.

Nanguna si Donovan Mitchell na may 25 puntos at pitong rebounds para sa Utah, habang umiskor si Rudy Gobert ng 13 puntos at 16 rebounds – ika46 double-double ngayong season.

Naghabol din ang Warriors mula sa 17 puntos sa Phoenix nitong Biyernes (Sabado sa Manila) at natambakan ng 19 puntos ng Miami nitong Linggo (Lunes sa Manila). Kapwa nakabawi ang Golden States sa second half.

Laban sa Utah, nabaon ang Golden State sa 91-84 sa kaagahan ng fourth period bago nagsalansa­n ng 21-4 run, sa pangunguna ni veteran Andre Iguodala.

Naisalpak ni Curry ang magkasunod na threepoint­er at iniwan ang depensa ni Ricky Rubio para sa layup at napalobo ng Warriors ang bentahe sa 105-95.

Bago ang laro, tinanggap nina Curry, Durant at Thompson ang kanilang All-Star jerseys mula kay general manager Bob Myers.

CELTICS 112, SIXERS 109

Sa Philadelph­ia, nagawang manalo ng Boston Celtics kahit wala si Kyrie Irving at laban sa sinasabing title contender na Sixers.

Ratsada si Gordon Hayward sa naiskor na 26 puntos, tampok ang go-ahead 3-pointer may 1:50 ang nalalabi, habang kumana sina Al Horford ng 23 puntos at Jayson Tatum na may 20 puntos at 10 rebounds.

Hindi nakalaro si Irving, nagtamo ng sprained sa kanang tuhod nitong Linggo, ngunit nagawang manalo ng Celtics sa ikatlong pagtatagpo kontra Sixers.

“Against a very quality opponent was big, especially on the road without Kyrie, it was huge,” pahayag ni Hayward.

Nanguna si Joel Embiid sa Sixers na may 23 puntos at 14 rebounds, habang umiskor si Jimmy Butler ng 22 puntos.

SPURS 109, GRIZZLIES 107

Sa Memphis, Tennessee, ginapi ng San Antonio Spurs, sa pangunguna ni LaMarcus Aldridge na kumana ng 22 puntos, ang Grizzlies.

Naputol ng Spurs ang four-game losing skid.

“When (teammates) are knocking down shots like that, it gives me space to play one-on-one on the block, and I can get to my moves,” pahayag ni Aldridge, patungkol sa krusyal na tira na nagbigay ng bentahe sa Spurs mula sa dikitang labanan.

Hataw sa Memphis si Avery Bradley na kumana ng career-high 33 puntos.

“He helped us be in the position we were in,” pahayag ni Memphis coach J.B. Bickerstaf­f.

Nag-ambag si Patty Mills sa Spurs na may 22 puntos at kumubra sina Davis Bertans ng 17 puntos at Rudy Gay na may 15 puntos at 12 rebounds. HAWKS 117, LAKERS 113

Sa Atlanta, pinangunah­an ni rookie Trae Young sa naiskor na 22 puntos at 14 assists ang Hawks laban sa Los Angeles Lakers.

Kumana si John Collins ng 22 puntos para tuldukan ang three-game losing skid ng Hawks, sa kabila nang impresibon­g triple-double ni LeBron James – 28 puntos, 16 assists at 11 rebounds.

Nag-ambag sina Kyle Kuzma at Brandon Ingram ng tig-19 puntos.

 ?? AP ?? si LaMarcus Aldridge ng San Antonio laban sa depensa ni Jonas Valanciuna­s ng Memphis Grizzlies sa isang tagpo ng kanilang laro sa NBA.
AP si LaMarcus Aldridge ng San Antonio laban sa depensa ni Jonas Valanciuna­s ng Memphis Grizzlies sa isang tagpo ng kanilang laro sa NBA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines