Balita

Makulit na 5-anyos, binigti ni yaya

- Joseph Jubelag

Nasakote ng mga awtoridad ang isang yaya nang bigtihin umano nito ang inaalagaan­g bata sa Barangay Labangal, General Santos City, nitong Miyerkules.

Sa report ng General Santos City Police, nasa kustodiya na nila ang 17-anyos na babaeng suspek, matapos siyang ireklamo ng mga magulang ng limang taong gulang na umano’y napatay niya.

Sinabi ng imbestigad­or na mismong ang mag-asawang sina PO1 John Keith Cuarentas at PO2 Jessel Cuarentas ang nakadiskub­re sa anak nilang nakabitin sa bahay-bahayan.

Inamin naman umano ng suspek ang krimen, at sinabing kaya niya nagawa ang krimen dahil masyadong malikot at pasaway ang bata.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines