Balita

51% Pinoy, ‘very happy’ ang love life

- Ni ELLALYN DE VERA-RUIZ

Nasa 51 porsiyento ng mga Pinoy adults ang “very happy” sa kanilang love life ngayong taon, mas mababa sa 57% na naitala noong 2017, ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey.

Sa nationwide survey na isinagawa nitong Disyembre 1619, 2018 sa 1,440 respondent­s, natuklasan ng SWS na 51% ng mga Pinoy na edad 18 pataas ang masayang-masaya sa kanilang buhay pag-ibig, 36% ang nagsabing sana ay mas masaya sila, 13% ang nagsabing wala silang love life.

Noong 2017, 57% ang masayang-masaya sa kanilang love life, 29% ang hindi kuntento, at 14% ang walang love life.

Ang proportion ng mga Pinoy na kuntento sa kani-kanilang love life ay naitala sa 58% nang simulan ng SWS ang nasabing survey noong 2002.

Bumaba ito sa 46% noong 2004, at bumawi sa 50s levels simula 2010 hangang 2012, hanggang sa umabot pa sa pinakamata­as na 59% noong 2011.

Naitala naman ang pinakamaba­ba noong 2017, sa 29%.

Sa kabuuan, 53% ng kalalakiha­n at 50% ng kababaihan ang nagsabing masayang-masaya sila sa kanilang buhay pag-ibig.

Sa kalalakiha­n, pinakamara­mi sa mga kuntento ang mga may asawa, nasa 64%, kasunod ng may ka-live-in partner sa 44%, at 31% naman ang single.

Sa mga babae, mga may asawa rin ang pinakamara­mi sa 59%, kasunod ng mga may ka-live-in sa 56%, at 20% naman ang single.

Natuklasan din sa survey na 50% ng mga Pinoy adult ang naniniwala­ng hindi mahalaga ang age gap sa relasyon, habang 41% naman ang taliwas ang opinyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines