Balita

MRT nagluwag sa liquid ban

- Mary Ann Santiago

Pinapayaga­n na ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 ang pagpapasok ng liquid items sa mga istasyon at tren nito.

Payo ng Department of Transporta­tion (DOTr) sa mga pasahero, dapat na hindi lalampas sa 100 milliliter­s (ml) ang ipapasok na tubig, gatas, pabango, lotion, at iba pa.

Kamakailan, naghigpit ang MRT, maging ang Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2, at hindi na pinayagan ang pagpapasok ng mga liquid items sa mga istasyon at tren dahil umano sa banta ng pagpapasab­og, na mariing inalmahan ng publiko.

Una nang nilinaw ng MRT na ang mga nakumpiska­ng liquid items, katulad ng pabango, lotion, alcohol, sanitizer, at iba pa ay maaaring balikan at bawiin ng mga pasahero sa istasyon kung saan nakumpiska ang mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines