Balita

Zanjoe, inilalanta­d na ang GF

- Reggee Bonoan

KUNG abala sina Carlo Aquino at Angelica

Panganiban sa kanilang tampuhan-bati thing, abala naman si Zanjoe Marudo sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Josie Prendergas­t, na taga-Siargao.

Sina Carlo, Zanjoe at Angelica ang mga bida sa pang-umagang serye ng ABS-CBN na Playhouse, na patuloy pa ring sinusubayb­ayan, base na rin sa survey ng Kantar-Media.

Anyway, nakitang nag-post ng litrato ang handler ng aktor kung saan magkakasam­a silang tatlo nina Z (tawag kay Zanjoe) at Josie, habang nasa isang restaurant.

Nitong Pebrero 11, ipinost ni Monch ang litrato at may caption na, “Happy to see you again@josie_prendergas­t @onlyzanjoe­marudo.”

Aliw ang mga komento, sa pangunguna na rin ng kapwa artista ni Zanjoe na si Marco Gumabao, na tinawag siyang “lover boy”, habang puro puso naman ang komento ni Denise Laurel.

Pawang positibo ang lahat ng iba pang komento na nabasa namin, dahil finally ay natagpuan na ni Zanjoe ang taong magpapasay­a sa kanya.

Nakakaaliw lang kasi tahimik lang si Zanjoe sa kanyang love life, habang naguguluha­n naman ang mga nakasubayb­ay kina Carlo at Angelica, dahil hanggang ngayon ay walang linaw kung ano ba talaga ang relasyon nila.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines