Balita

PITX, nag-Serbus sa Araw ng mga Puso

- Mary Ann Santiago

Inilunsad kahapon ng Department of Transporta­tion (DOTr) ang “Serbus” bilang handog nito sa commuters sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) nitong Araw ng mga Puso.

Ayon sa DOTr, ang Serbus ay magbibigay ng libreng sakay sa mga commuter ng PITX.

Isinagawa ang launching at blessing ng proyekto sa Bonifacio Shrine, sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa ilalim ng proyekto, anim na air-conditione­d bus units ang magbibigay ng libreng sakay sa mga commuters na ihahatid sa PITX, mula Lunes hanggang Biyernes, 6:00 ng umaga hanggang 11:00 ng umaga; at simula 4:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi.

Ipaiiral ito sa mga rutang Lawton-Baclaran-PITX, at pabalik; at Monumento-EDSABaclar­an-PITX, at pabalik.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines