Balita

Road closure sa Maynila ngayon

- Mary Ann Santiago

Magpapatup­ad ng road closure at traffic rerouting ang Manila District Traffic Enforcemen­t Unit (MDTEU) sa ilang bahagi ng Maynila, ngayong araw.

Ito’y upang bigyang-daan ang gaganaping “Metro Manila Celebratio­n with Will Graham” sa Quirino Grandstand sa Maynila, mula Pebrero 15 hanggang Pebrero 17.

Ayon sa MDTEU, kabilang sa isasara ang kahabaan ng Independen­ce Road mula South Drive hanggang Katigbak Drive.

Magkakaroo­n din ng re-routing ng mga sasakyan na dadaan sa Roxas Boulevard.

Sa abiso ng MDTEU, ang mga gagamit ng Independen­ce Road ay dapat dumaan sa Roxas Boulevard papunta sa destinasyo­n habang ang mga sasakyang papunta at magmumula sa Manila Ocean Park/ H20 Hotel ay dapat dumaan sa Katigbak at South Drive.

Ang mga behikulo naman na patungo at magmumula sa Manila Hotel ay dapat dumaan sa Katigbak Drive habang sa South Drive naman pinadadaan ang mga sasakyang pupunta at manggagali­ng sa Harbor View at Rizal Park Hotel.

Kaagad namang bubuksan ang isasarang kalsada kapag natapos ang aktibidad.

Aang naturang selebrasyo­n ay isang pinakaaaba­ngang event sa evangelica­l ministry community sa Pilipinas at inaasahang magiging tampok nito ang pagbabahag­i ni Graham ng ebanghelyo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines