Balita

Peace covenant sa kandidato, hinikayat ng Comelec

- Nina LESLIE ANN G. AQUINO at AARON B. RECUENCO

Sa patuloy na paglaganap ng karahasan kaugnay sa halalan, hinikayat ng Commission on Elections ang peace covenants sa iba’t ibang kandidato.

“We encourage our local officials to institute peace covenant among the different candidates,” sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez sa isang forum sa Manila.

“It might not be legally binding. But, at the very least, we could have moral suasion over the candidates and encourage them to keep the elections safe for everyone,” idinagdag niya.

Nagpahayag ng pagkabahal­a si Jimenez kaugnay sa mga karahasan sa halalan na nagaganap sa iba’t ibang lugar sa bansa.

“This early in the game, I believe, we have already outstrippe­d the deadliness of the barangay elections, which is, historical­ly, more hotly contested,” aniya. Idinagdag niya na sumasalami­n ito sa lumalalang sitwasyon.

Nauna rito ay itinaas ng Philippine National Police (PNP) ang bilang ng election “hotspots” sa 701.

At ayon kay Jimenez, isang posibleng rason sa pagtaas ng election “hotspots” ay desperado ang ilang politiko na manalo sa halalan lalo na sa automation nito.

“They are running out of place to influence the outcome. They will be starting to think that maybe it is easier to eliminate the competitio­n. That is one possible reason,” aniya.

LAHAT ON DUTY Ipinag-utos naman ng PNP ang kanselasyo­n ng lahat ng in-house trainings at iba pang uri ng schooling para sa mga pulis upang palakihin ang deployment ng mga tauhan nito para sa election duties sa pagsisimul­a ng campaign period para sa senatorial at party-list groups.

Sinabi ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na ang kanselasyo­n ng schoolings ay isang standard protocol sa panahon ng kampanyua upang matiyak ang availabili­ty ng lahat ng pulis para magsilbi sa halalan.

“Those who are in schooling will be asked to return to duty. They will be deployed for election duties,” ani Albayalde.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines