Balita

Singil sa padala sa RO-RO, ibababa

- Bert De Guzman

Nagpulong ang technical working group (TWG) ng House Committee on Transporta­tion nitong Miyerkules upang suriin kung paano mapababa ang singil sa pagpadadal­a ng mga kargamento sa Roll On-Roll Off (RO-RO) system.

Sa pagpupulon­g, pinamunuan ni TWG Chairman Rep. Manuel Zubiri (3rd District, Bukidnon), ikinumpara ang transporta­tion costs ng paghahatid ng mga produkto mula sa Mindanao patungong Metro Manila sa pamamagita­n ng RO-RO at sa direct shipping. Lumutang na mas mahal magpadala sa RO-RO kumpara sa direct shipping.

“Supposedly the RO-RO is cheaper but apparently not. Mas mura pa ‘yung direct shipping… I don’t understand why this is the cost now,” ani Zubiri.

Iminungkah­i ni Rep. Bayani Fernando (1st District, Marikina City) na dapat kumita ang RO-RO operators sa pamasahe ng pasahero, sa halip na sa cargo transporta­tion.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines