Balita

Forklift operator nahulog sa 25 feet

- Orly L. Barcala

Habang tinitipa ang artikulong ito, kritikal ang isang forklift operator nang mahulog mula sa 25 talampakan, kasama ang minamaneho­ng sasakyan, sa Malabon City, kamakalawa.

Inoobserba­han sa Manila Central University (MCU) Hospital si Mario Molina, 46, part tine porter at fork clip operator sa Tong-Yi Express Cargo, naniniraha­n sa Progreso Street, Barangay 141, sa Caloocan City.

Sa ulat, naganap ang aksidente sa tapat ng Tong-Yi na nakabase sa No. 67 Marcelo, Compound, Bgy. Potrero, Malabon City, bandang 2:00 ng hapon.

Minamaneho ni Molina ang bagong forklift upang magkarga sa container van.

Gayunman, nahulog ang biktima kasama ang sasakyan at bumulagta sa semento at nawalan ng malay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines