Balita

13 vintage bomb nahukay sa Valenzuela

- Orly L. Barcala

Nasa 13 pirasong vintage bomb ang nahukay ng mga tauhan ng Special Reaction Unit-Special Weapons and Tactics (SRU-SWAT) sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Unang nadiskubre ang isa sa mga bomba malapit sa isang gasolinaha­n sa Barangay Karuhatan sa nasabing lungsod, bandang 3:30 ng hapon.

Sa pangambang sumabog, agad na nagpasaklo­lo sa Valenzuela Police.

Buong ingat at isa-isang hinukay ang mga vintage bomb at umabot sa 13 piraso.

Nabatid na ang nakuhang mga bomba ay ginamit pa noong World War 2.

Idiniretso ang mga bomba sa Nueva Ecija.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines