Balita

Biyahe ng LRT-1, kalahating oras naantala

- Mary Ann Santiago

Pansamanta­lang naantala ang biyahe ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) dahil sa nagkaprobl­emang tren sa Carriedo Station sa Maynila, kahapon ng umaga.

Sa ganap na 10:00 ng umaga, halos kalahating oras natigil ang biyahe ng LRT-1 mula Baclaran, sa Parañaque City patungong Roosevelt Station sa Quezon City nang magkaroon ng problemang teknikal ang isa sa mga tren.

Agad na inayos ng mga technician ang problema upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Pagsapit ng 10:27 ng umaga, naibalik sa normal ang operasyon ng tren.

Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng LRT-1 sa mga naabala.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines