Balita

Rebelde timbog

- Mike U. Crismundo

CAMP BANCASI, Butuan City – Arestado ang isang umano’y kaanib ng komunistan­g New People’s Army (NPA) sa isangf pagsalakay sa Butuan City, kamakailan.

Kinilala ng militar ang rebelde na si Emaliano Legayna, may alyas na “Ka Bukas”, “Da Sedoy”, “Ka Turko” at “Ka Abbad”.

Si Legayna ay inaresto ng mga tauhan ng 23rd Infantry (Masigasig) Battallion 23rd IB), Military Intelligen­ce Battallion (MIB) at Butuan City Police Office (BCPO) sa bahay nito sa Barangay Nongnong ng naturang lungsod.

Sinalakay ng mga awtoridad ang bahay nito sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Emmanuel Escatron, ng 10th Judicial Region, Branch 2 sa nabanggit na lungsod, sa kasong illegal possession of firearms, nitong Miyerkules ng hapon.

Sa report, nagsisilbi umanong tax collector si Legayna ng kilusang North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC).

Nasamsam sa kanya ang isang cal.45 pistol at isang granada.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines