Balita

Drug suspect, dedo

- Light A. Nolasco

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Patay ang isang umano'y tulak ng iligal na droga matapos umanong makipagbar­ilan sa mga awtoridad sa isinagawan­g buy-bust operation sa Christianv­ille Subdivisio­n, Barangay Abar 1st, nitong Miyerkules ng madaling araw.

Sa ulat ni Supt. Leon Victor Rosete, acting police provincial director, nakilala ang nasawi na si Dante Galvan, alyas "Darwin", nasa hustong gulang at kabilang sa drug watchlist ng pulisya sa nasabing siyudad.

Ayon kay P01 Victor Aguirre, nagpanggap na buyer ang isa nilang pulis ngunit nakahalata umano ang suspek at binaril ang mga awtoridad, dakong 2:30 ng madaling araw.

Narekober sa pinangyari­han ng insidente ang isang cal. 38 revolver, apat na basyo ng bala mula sa ca. 9mm pistol at ilang plastic scahet ng hindi pa madetermin­ang halaga ng shabu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines