Balita

Ex-cop na ‘drug pusher’ tigok sa tandem

- Fer Taboy

Napatay ang isang dating pulis matapos na tambangan ng riding in tandem sa Sultan Kudarat, Maguindana­o, kamakailan.

Dead on the spot ang dating pulis na si SPO1 Julius Ebus, 45, ng Barangay Limbo ng nasabing bayan.

Inihayag ni Senior Supt. Ronald Briones, hepe ng Maguindana­o Provincial Police Office(MPPO), patungo na sana ang biktima sa Cotabato City lulan ng motorsiklo nito nang biglang pagbabaril­in ng mga suspek na nakasakay sa isang motorsiklo.

Dinikitan aniya ng mga suspek ang biktima at pinagbabar­il gamit ang cal.45 na pistola.

Nang magrespond­e ang mga awtotidad ay nakorner nila si Ebus nang mahuli sa kanya ang ilang pakete ng shabu

Sa rekord ng mga awtoridad, dati nang sinibak sa serbisyo si Ebus dahil sa pagkakasan­gkot sa operasyon ng iligal na droga.

Inaalam pa ni Briones ang pagkakakil­anlan ng mga kasabwat ni Ebus.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines