Balita

2 guro, dinampot sa estafa

- Liezle Basa Iñigo

Arestado ang dalawang guro matapos na lumabas ang kanilang warrant of arrest kaugnay ng kinakahara­p nilang kasong kriminal sa Barangay Masaya Centro, San Agustin, Isabela.

Sa report ng Isabela Provincial Police, nasa kustodiya na nila sina Ronalyn Dingle, 41, ng Barangay Raang-ay, San Agustin, Isabela at Arlene dela Cruz , 39, ng nabanggit na lugar.

Ang dalawa ay nasakote sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Pasig City Regional Trial Court (RTC) Judge Marina GaerlanMej­orada, Branch 70 sa kasong estafa, nitong Disyembre 5 ng nakaraang taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines