Balita

Land reform sa Ecija

- Beth Camia

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng land reform program sa Nueva Ecija.

Ito ang inihayag ng pangulo sa kanyang pagbisita sa Laur kamakailan at sinabing magpapadal­a ito ng mga opisyal sa lalawigan para sa implementa­syon ng programa sa susunod na linggo.

Ito aniya ang naging tugon nito sa mga residente sa probinsiya dahil sa problema ng mga ito sa lupain at tubig.

Nauna nang iginiit ng pangulo na ang problema ng bansa sa rebelyon ay hindi matatapos hangga’t hindi nalulutas ang mga problema sa lupain.

“At this time of our national life, unless we solve this age-old problem of getting the lands to the people, we can never end the insurgency problem,” sabi pa nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines