Balita

Driver utas, negosyante sugatan sa ambush

- Lyka Manalo

BATANGAS CITY – Patay ang isang driver habang sugatan naman ang amo nitong babaing negosyante matapos pagbabaril­in ng hindi nakilalang mga suspek sa Batangas City, nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ng Batangas City Police ang napatay na si Rommel Perez, 43, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isinugod naman sa St. Camillus Hospital ang amo ni Perez na si Juvinel Garcia, 36, dahil sa tama ng bala sa kaliwang bukha at kanang braso.

Sa ulat ng mga awtoridad, ang dalawa ay lulan ng kanilang kotse (AC 6659) at nakaparada sa bahagi ng Barangay Banaba South nang pagbabaril­in ng mga hindi nakikilala­ng lalaki, dakong 5:00 ng hapon.

Tumakas ang mga suspek patungo sa direksyong ng Batangas Port Diversion Road.

May teorya naman si Batangas City chief of police, Supt. Sancho Celedio, si Garcia ang target sa pamamaril dahil sa lending business nito at nadamay lamang si Perez sa insidente.

Iniimbesti­gahan pa rin ang insidente upang matukoy ang suspek at motibo sa krimen.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines