Balita

Jak, ipinagluto si Barbie

- Nitz Miralles

NANGAKO kami kay Jak Roberto na after Valentine’s Day na namin isusulat ang gift niya sa girlfriend na si Barbie Forteza para hindi ma-preempt. Kaya kahit nitong Tuesday pa ang presscon ng Kara Mia, kung saan niya ikinuwento ang plano niya para kahapon, ngayon lang namin ito isinulat.

“Sabi ko kay Barbie, hindi kami makakapag-date dahil may trabaho kami. May taping kami ng Kara Mia, at si Barbie, magho-host pa ng ‘Chika Minute’ segment ng 24 Oras,” kuwento ni Jak.

“Hindi niya alam, kinuntsaba ko ang family niya na habang wala siya sa bahay, pupunta ako, ise-set up ko (ang bedroom ni Barbie), at ipagluluto ko siya ng favorite food niya, gaya ng Bistek at Sinigang. Pinoy food lang naman ang favorite niya para pag-uwi niya galing sa 24 Oras, magugulat at matutuwa siya,” sabi ni Jak.

Anyway, masaya si Jak na magkasama na naman sila ni Barbie sa show at magkapareh­a pa sila, na first time para sa kanila. Maganda ang karakter nila, dahil si Kara (Barbie) kay Chino (Paul Salas) may gusto. Si Mia (Mika dela Cruz) naman ang may gusto kay Bobi (Jak).

Sa February 18, after ng 24 Oras, na ang pilot ng Kara Mia, sa direksiyon ni Dominic Zapata. Makakatapa­t nito ang FPJ’s Ang Probinsyan­o ni Coco Martin.

Any reaction from Jak? “Pressured dahil alam naming maraming followers ang katapat namin. Pero sana, panoorin din nila ang Kara Mia, bigyan nila ng chance at sigurado kaming magugustuh­an ng televiewer­s,” sabi pa ni Jak.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines